Feed on
Posts
comments

2 beses ko pa lang nakitang umiyak na parang walang bukas ang aking kapatid.

Una ay yung nabanga ang aming kotse. Naalala ko pa iyon.. 4th year pa ako non tapos nasa St.Paul ako kasi may outreach ang four1 tapos dapat susunduin niya ako biglang nagulat ako kasi ang sumundo sa akin ay si tito ping..hay nasaan na kaya yung pesteng taxi driver na iyon.

Yung pangalawa ay nangyari ngayong linggo lang..

"Anna.wala na kami."

ang tagal nagregister sa utak ko iyon..Anong wala? Sinong wala na?

halos nawindang lahat ng taong nakapaligid sa inyong dalawa..pamilya,kaibigan,co faculty at students ng aking kapatid.

Yung tuesday sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip ng rason kung bakit. Di ko maiwasan na isipin ang kalagayan ng aking kapatid sa UP…

Di ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Hangang ngayon.

Di biro ang mahigit sa apat na taon na pagsasama.

Hangang ngayon di ko pa rin maintindihan kung bakit wala na kayo

Diba nga ayaw ko kayong nakikitang nagaaway.Kahit magmukha na akong ewan sa harapan niyo..di ako makatiis na kausapin kayong dalawa para pakiusapan na magbati kayo..

Kaya mahirap para sa akin na tanggapin ang realidad na wala na kayo.

Ate yo: Hanga ako sa iyo..wala pa sa 1/4 ng aking kalungkutan ang nararamdaman mo pero you strive to be strong. Alam ko na malalampasan mo rin iyan.nandito lang kami para sa iyo..darating rin ang oras na magiging masaya ka.Masaya ako dahil nakakangiti ka na…sabi ko nga sa iyo." There would always be better days..:)" 

Kuya David: Maraming Salamat. Salamat sa pagmamahal mo sa akin bilang iyong younger sister at salamat na rin sa mga araw na pinaligaya mo ang aking kapatid.

Ngayon nasabi ko na ang gusto kong sabihin..

It’s time for me to move on..:)

and i guess it’s time for you 2 to move on..:)

One step at a time.

Sa uulitin

FLASHBACK
graduation..isa sa mga pinakamahahalagang araw sa buhay ko..bakit?!?

kasi doon ko nakilala ang mga Lopezes ng aming batch–isa na doon si icodename na lang natin sa pangalan "purkit" (feeling ko kapag nakita niya ito ay mahahagis niya ako ng hindi oras..)

Siya yung isa sa mga dahilan kung bakit naging masaya ang aking pagaaral ngayon..nandyan siya yung oras na sobrang lungkot ko..nandyan siya kapag sobrang masaya ako..nandyan siya sa lahat ng panahon..hindi nakakapagtaka kung bakit marami siyang kaibigan.

May mga oras na medyo nagiging moody siya–isang bagay na sa tingin ko nangyayari naman sa lahat ng tao-kasama na ako doon.

Siya rin yung pinakamatalino–at pinakamasipag sa aming 3…isang bagay na hinahangaan ko sa kanya..

Mahal na mahal ko ito..naalala ko yung umiyak siya…dahil sa mababa siya sa —-..halos gumuho rin ang mundo ko..ayaw ko kasing may umiiyak sa amin eh..

Karamay ko siya sa hirap, naalala mo yung nagswimming tayo..parehas kami hindi marunong lumangoy..pero nakaya natin ang practical…(isa sa mga pinakamasayang araw namin)

Marami nga nacucutetan sa kanya..naalala ko pa yung "quiet!!" sa music, maraming kaklase ang natuwa sa kanya..kahit yung physics time (oo na sa amin na lang iyon..)

Kung kala niyo tahimik iyan…hindi, makulit rin iyan..siya rin ang dahil na kung bakit hindi ko makakalimutan ang salitang belial..:)

Mamiss ko siya pag hindi ko na siya seatmate..promise…kasi iba pag siya seatmate mo..alam rin niya ang mga kinakatakutan ko sa buhay.

Kaya..Maraming salamat..dahil naging parte at parte pa rin ng buhay ko hanggang ngayon–Eli :)

___
Sinulat ko ito last year pa..estudante pa ako ng St.Paul;miyembro pa kami ng four1_0506.
at kahapon ginanap ang isang mahalagang pangyayari sa kanyang buhay at iyon ay ang kanyang ika-18 kaarawan.

"Louie, 4 p.m. SHARP sa SM hypermart.."
-hay.pagpunta ko don wala pa ako nakikitang kasama..ni isang animalia wala pa. Kaya ayon naisip kong magliwaliw muna sa Tiendesittas at sa loob ng hypermart. 1st time ko lang kasi makapunta doon. Yung medyo nainip na ako lumabas na lang ako sa exit at biglang may gumulat sa akin…ABA. etong si May Asacta magaling mangulat..XD.Cyempre masaya ako nung makita ko siya kasi ang tagal ko na rin siya di nakikita kasi nagaaral siya sa UPLB (nakanaks naman..) tapos ang susunod na bibiktimahin namin ay si Katan kasama si Tita at si younger brother-Kyle. Sayang kasi nakita kami agad..tapos umupo na lang kami ulet sa foodcourt..mga 5 minutes ay nakita na namin si elena with her astig na outfit..:)..at eto na si Tario..wehehe.ang ganda2x..pero di niya kami makita nung una..tawa tuloy kami ng tawa sa kanya..sinamahan ko si Tario upang hanapin si Faye na matagal ko ng di nakikita dahil sa kanyang kinakarir na cheering at nakanaks naman…batch officer..XD. So 6 na kami na nagiingay sa foodcourt tapos iniisip namin na ang SHARP ni eli pala ay 5 p.m..XD..nacurious rin kami kung sinu-sino yung 3 college friends niya na pupunta. Tapos joke pa namin yung nagiisang nakawhite na nakaupo magisa ay 1 sa mga kaklase ni eli tapos si eli siya yung isa sa mga nagseserve sa foodcourt kasi nakaorange rin sila.

Sa wakas nagtext na si eli AKA PONKAN na nandoon na siya. Plano nga namin kapag kotse yung dala.4 sa gulong at 2 sa compartment (wala ng umupo sa upuan talaga..).pero 2 yung dala niyang sasakyan kaya nagvolunteer na kami ni elena na samahan si eli na hintayin yung college friends niya.Badtrip nga lang si manong guard kasi mataray siya noh..meron siguro siya..XD.

Yung babae ni tinuturo namin sa may foodcourt ay ISA sa mga college friends ni eli. Cyempre nagulat kami ni elena..ayon di matago ang aking pagiging excited at pag pasok pa lang niya sa kotse kinausap ko siya agad at sinabi na feeling namin siya ay isa sa mga kaibigan ni eli.Astig nga kasi friendly siya di ako nahirapan na kausapin siya..tapos pumasok na rin ang isa pang college friend sa kotse.

Masaya ako kasi di ako uncomfortable sa loob ng kotse..kasi diba may mga pagkakataon na maiilang ka kapag kasama ng kaibigan mo yung bago niyang kaibigan..pero dahil nga sa approachable rin sila at palangiti rin..wala naging problema.      

Pagdating sa venue..ang cute kasi puro orange.saka masayang kasama ang relatives ni eli..Hi! betsy ni eli ang aking kaagaw sa pagmamahal kay john lloyd cruz..X nagsimula sa isang opening prayer led by pir Spiritual Chairman na si May..tapos nagkaroon ng opening remarks by her tita tapos yung pagkanta ng bday song kay eli led by Elehan..asteg..kahit kakagaling lang sa sakit..PANALO pa rin ang iyong voice..IDOL. Syempre bumalik ang animalia moments yung kainan..Ako nanaman ang api…sobrang nakakabusog..buti na lang may mga karamay rin akong malakas kumain.

Tapos nagkaroon ng game-kidnap game..GALENG ni sue..nakanaks may instant money ka pa..nagkaroon ng video presentation para kay eli (baket yung iba wala sa scrapbook mo?) tapos nagkaroon ng personal message kay eli..tapos kantahan kaya nga umulan ng malakas eh..pati rin pala yung fortune ko..na naiyak ako sa kakatawa.

Umuwi akong masaya.

Eli…sana’y matupad lahat ng dreams mo.huwag kang magbabago ahh..except sa pagiging slow naku magiging nurse ka pa naman. Stay as sweet and cuddly as you are right now. Alam mo naman na nandito lang ang animalia lalu na ako aka clamy sa tabi kapag kailangan mo. Asteg ka pa rin sa grades..running for SUMA ka ba? pa rub naman sa blessings. Huwag kag magalala maraming manonood ng iyong movie na happy feet. Maraming salamat sa suporta at pagmamahal mo lalu na sa mga oras na kinakailangan ko ng karamay. You’re blessed kasi maraming nagmamahal sa iyo. Love you eli..+hug+

para kay Sue at kay Berls..Thank you for being so nice..Masaya ako na nakakilala si eli ng mga katulad niyong masayahin at totoong tao. Kampante na ako dahil astig kayo..at masaya akong nakilala ko kayo.Pramis! :)

para sa animalia friends pati kay elehan: 1 down..2 more to go..Grabe palagi tayong magkikita this month..pero surely.mamimiss ko kayo lalu na yung mga conversations/asaran/dramahan/kainan natin..at sana’y makumpleto naman tayo sa susunod na magdedebut na si CLA!!!!Love you friends!!!

Sa susunod na debut..hehe.
sa uulitin

      

Sabado Night..XD

Yung Sabado…

* Pumunta ako sa homey na bahay ni Riza. Hinintay ko siya dahil galing pa siya sa kanyang enrolment sa CEU Makati. Namiss ko yung bahay niya kasi yung nandoon pa ako sa Pasig..suki ako ng kanilang bahay.XD

* Nagcommute kami papaunta sa aming destination. Sa totoo lang di ko alam kung saan yung mismong venue. Dapat pala tinignan ko yung map na nakalagay don sa website XD. Di naman ako napapadpad don eh pero di iyon naging hadlang para sa amin. Mas maganda iyon para may konting adventure. Sumakay kami ng jeep,mrt,jeep ulet at jeep…biglang don na nagsimula ang aming adventure dahil sa Tomas Morato kami napadpad. Kayo ayon nilakad na lang namin pabalik don sa pinangalingan namin. Sobrang pampapayat iyon…AYON PALA..malapit sa Edsa sa mga MRT GMA-Kamuning station yung venue XD..Natawa na lang kami ni Riza…sana pala di kami bumaba sa Quezon Ave. na station…

* Medyo..mali..halata na 1st time lang kami na nakapunta sa ganong lugar..XD..medyo weird yung feeling ko non kasi di ko naman talaga kakilala yung mga taong nasa paligid ko.Tapos..ano ba..ahh..well natupad ang isa sa aking pangarap XD. Napatawa namin yung babae na nagtitinda nung tickets kasi naman pababa kami non sa stairs biglang mabilis ako napatalikod at umakyat sa stairs.XD Basta SOBRANG SAYA,SOBRANG KABADO,SOBRANG NAWINDANG at SOBRANG NABUKING..XD

Para sa isang tao na nakasama ko don sa event…

I just realized that you’re indeed a beautiful person. Don’t think I’m saying that because I want to create a good impression to you. It’s true! You’re really,really beautiful and I HOPE you know that. You’re one of the most sincere people I’ve met and I’m glad that I was given the opportunity to talk to you even for a short period of time. I hope that you continue to live that way and LOVE people that way. Thank you very much for your company..:)

Aba.Minsan lang ako makapaglagay ng impromptu na straight English kaya pagpasensyahan niyo na kung wrong grammar.XD

* Pagkalabas namin sa venue..grabe. Naglakad kami ng mabilis..for short..TUMAKBO kami..wala na kaming pakielam kung may makakita sa amin na tumatakbo along Edsa..XD.Feeling namin kasi mapapagalitan kami ng aming mga nanay..pero dahil good vibes ang aking mader..di siya galet..XD.

Kaya sobrang..SAYA ko non..

Sa uulitin.

TODAY+SURVEY

Kakatapos lang ng aming finals sa biology–ibig sabihin TAPOS na ang unang semester ko sa Pamantasang Normal ng Pilipinas..

Isa lang ang masasabe ko sa araw na ito: BENTA!

tawa ako ng tawa doon sa mga situations sa test.. saka kamusta naman yung spongebob..XD..ahh.patrick my favorite starfish..at ang last page sa lower right..masaya iyon..Ayon medyo naweirdohan ata sa akin yung nagproctor sa room namin.Nakakatawa yung binibigay na yung sagot.Nakakatawa nung inanounce na ni mark yung results..XDkala ang taas ng grade..di kaya..XD.pero ganyan ang section namin..masayahin XD.. Basta nagenjoy ang section ko sa last day ng aming semester

Pagkatapos non ay nagstay pa rin ang 1-20..nagkaroon muna ng speech para don sa mga nakapasa sa BSMT/BSBT/BSIT/BSCT.ayon.medyo naluha ako kay nickson..kasi naman..X( Mamimiss ko iyon kasi minsan kasabay ko rin siya umuwi eh tapos sabi niya siya lang magisa sa BSCT…pati si ricel..nakanaks naman..one by one personal message sa bawat isa sa amin…how sweat! XD

***

Tommorow,Tommorow..I love you tommorow….NAHAHYPOTONIC na ako para bukas..XD.Sana.basta mageenjoy ako…

***

Dahil ayaw na gumana ang aking brain cells..sumagot nanaman ako ng survey na galing sa buliteen ko..XD

3 YEARS AGO

How old were you?:
-15 years old

What grade were you in?:
-2nd year.PINK na pink pa ako non.SOPHOMORES XD.

Where did you go to school?
- St.Paul College Pasig.My GOAL as a Paulinian is this…..wehehe.di ko pa rin makalimutan iyon..

Where did you work?:
- Pwede bang maconsider na trabaho ang paglilinis sa bahay na trabaho..iyon kasi ang pananaw ko dati eh..XD

Where did you live?:
- PASIG city..doon sa may bagong ilog..

How was your hair style?:
- ahh..may hairstyle ba ako..basta’t alam ko lang makapal ang buhok ko..

Did you wear braces?
- Hindi..buti nga eh..kasi ayaw ko na kinakalikot ng ibang tao ang aking ngipin..takot ako sa dentista

Did you wear glasses?
- Yup pero grade school pa ako non..Siguro di niyo maimagine na naggaglasses ako noh!

Who was your best friend?
- Si Jennifer Aragon..ang aking Best INSAN..(Best friend na nga.Pinsan ko pah!)..

Who was your celebrity crush?:
- Si John Pratts..XD.Gosh.bumabalik ang aking nakaraan…

Who was your regular-person crush?
- hay..bakit ko isusulat di ito..para mabuking…XD.pero in fairness may mga taong kakaalam naman eh..

How many tattoos did you have?:
- Wala.Ayaw ko non.

How many piercings did you have?:
- Isa..sa tenga.

What was your favorite band/group?:
- dati..share ko lang..patay na patay ako sa NSYNC..tapos ate ko BSB..kaya ayon..palagi kami nagaaway..XD

What was your worst fear?:
- Lumangoy..eh required pa naman sa St.Paul na marunong ka lumangoy kasi kasama ang swimming sa PE namin..kaya ayon napagtiyagaan akong turuan at natuto naman ako..grabe.struggle rin iyon noh!

Had you smoked a cigarette yet?
- NO..and never..(noh ba ito..wrong grammar pah!)

Had you gotten drunk/high yet?
- Nope ulet..KJ akong tao pagdating sa mga ganyan bagay..XD

Had you been to a real party yet?:
- Di pa siguro…XD

Had broken someones heart?
- pagiisipan ko muna ha..

HA HA HA!!! LETS SEE WHAT YOU ARE NOW !!!!!

How old are you?:
- Legal na ako..18 years old na ako..HALA.pwede na akong makulong..XD

Where do you go to school?:
- Pamantasang Normal ng Pilipinas sa may Ayala Ave. corner Taft Ave..

Where do you work?:
- Wala pa..pero gusto ko na magtrabaho..kahit student assistant para di na ako palagi humuhingi sa nanay ko ng allowance..

Where do you live?
- Sa San Mateo Rizal..at least di kami babahain..:)

How is your hair style?
- Maikli at makapal pa rin ang buhok ko..

Do you have braces?:
- Wala pa..pero in fairness nawala na yung fear ko sa dentista..

Do you still wear glasses?
- Hindi na..

Who is your best friend?
- Siya pa rin..si Jennifer Aragon..

Still talk to any of your old friends?:
- SYEMPRE..i make sure na may contact pa rin ako sa mga kaibigan ko..importante sila sa buhay ko eh..

who is your favourite singer/group/band?
- Paki tingin na lang sa profile ko..:)

Who is your celebrity crush?:
- JOHN LLOYD CRUZ now and forever..AMEN!

who is ur |ife-crush now?
- Si ano…weh.Ano ako sira? Baka mabuking pa ako..actually..buking na ata ako..ang daldal ko kasi sa blog ko eh..XD

How many piercings now?
- Ganon pa rin..

How many tattoos?:
- wala pa rin

What is your biggest fear?:
- Mawala yung tao na naging malapit sa akin. Di kasi ako yung taong mabilis magtiwala agad.

Have you smoked a cigarette yet?:

- Hindi.isa sa mga bagay na maipagmamalaki ko..

Have you gotten drunk or high?..
- Hindi rin..isa pa sa mga bagay na maipagmamalaki ko II..XD

Have you been to a real party?:
- Yup..

Has your heart been broken?:
- Di pa..as of now..

Have you broken someones heart?:
- Wala pa naman…

O ayan natapos nanaman ang aking pagsasagot sa survey..isa pa ulit next time…XD

Sa uulitin.

Pwede bang maglabas muna ng frustrations dito? weh.kala nasa inyong kamay ang desisyon..wala kasi akong outlet ngayon kundi itong blog ko..

Naiinis ako kasi

- Di ako nakatulog ng maayos..di ko alam kung bakit nga ako di makatulog wala naman akong iniisip..weird nga kasi pagod ako sa pagcocomute ko kahapon so dapat wala akong problema sa pagtulog .ewan ko ba.. siguro may insomia na ako XD.HALA. Kaya pagising sa umaga wala na ako sa mood

- Kaugnay sa pagtulog ko..may nagtext sa akin ng alas tres ng umaga..mas nauna pa siya sa alarm clock ng cellphone na nakaset na magalarm ng 5:00 a.m…importante naman yung text kaya nga lang..dahil don.ayaw na pumikit ng mga mata ko kaya nakatingin lang ako sa kawalan ng 3:30 a.m. onwards…

- Di nanaman equally distributed ang household chores sa bahay..medyo mabilis akong mainis kapag tungkol sa bagay na iyon..Gusto ko kasi maayos ginagawa yung mga gawaing bahay kasi kapag hindi..ako rin naman yung gagawa ulit non eh! Ako na nga yung nagset ng pinggan tapos ako pa ang pinaghugas.okay lang sa akin maghugas pero sinabi na nga na ilagay sa likod yung mga huhugasan di pa ginawa..kamusta naman iyon..Babaw noh..pagpasensyahan niyo na..bunso kasi ako at ayaw ko na "inaapi" ako sa bahay.

- YM..as in Yahoo Messenger—ayaw ko lang kasi na magsisign out na di pa sinasagot yung tanong ko..ACTIONS speaks louder than words..pero sige.intindihin na lang kasi busy siguro siya sa mga gawaing pangeskwela…baka naststress.hala.katulad rin siya ni mam values…HALA!

- Next sem. wala na akong dismissal na 7:00…ang oras na ng uwi ko ay 8:30 ng gabi. X( Kala ko pa naman mapapaaga na uwi ko.

- Di ako pinayagan na umalis kasama ng animalia ngayong araw dahil nga kinakailangan kong magreview para sa biology finals…naku.nakakalungot isipin na lahat sila ay nageenjoy na sa kanilang sembreak habang ako..eto…nagrereview.Oh well.kinakailangan ng disiplina.

- Di ko alam kung paano papasok sa utak ko ang lahat ng kinakailangan kong ireview..medyo marami kasi iyon eh.

PERO may isang bagay na nagpapahypotonic sa akin..

basta ito lang ang masasabi ko

I LOVE YOU SABADO…XD.

sana nga makapal ang pagmumukha ng aking face sa araw na iyon.Teka.Ano nga ba isusuot ko?Saka anong sasabihin ko? Saka magwawala ba ako?

Akala ko sa Oct.27..nawindang ako ng malaman ko na sa sabado na pala iyon..

Weird nga kasi Ikinatuwa-kinainisan ko rin yung nalaman ko iyon..kasi di pa ako handa..XD

Sa uulitin.

10.14.06.

Kahapon…

- Maaga akong nagising para pumunta sa bahay ni maria theresa na malapit sa lrt v.mapa station. Di na ako sanay gumising ng maaga tuwing sabado kasi rest day ko iyon eh..pero no choice kasi para naman iyon sa finals namin sa PE.Ang ang shocking pa don ay 4 lang kaming nagpractice(kasama na si tere don)..HELLO.9 po kami sa grupo parang ayaw nilang magkagrade sa PE ah..may isang matinong nagexcuse pero yung iba X(..ang hirap kaya baguhin at gumawa ng choreo na di kumpleto.so good luck na lang sa amin bukas..

-Inimbitahan ako ni katan sa kanyang 18th bday sa kanyang bahay..ang problema nga lang..siya’y nakatira sa Alabang,Muntinlupa..aba.walking distance lang iyon sa San Mateo Rizal ha..XD buti na lang at kikitain kami ni katan.. kaya pagkatapos ng practice sa PE..nagmadali akong sumakay ng g liner..bumaba sa lrt v.mapa…bumababa sa lrt areneta cubao..pumasok sa gateway..pumasok sa farmers market..na karugtog ng mrt cubao..bumababa sa shaw station..naglakad papuntang shang..bumaba sa 4th floor..at hinanap ang ricky reyes na parlor upang makipagkita kay katan..TAKE NOTE:nagawa ko iyon in 35 minutes..pampapayat na lakad iyon at saan ka pa nakakita na pupunta ng debut na may dalang filipino book, eco handout na tungkol sa taxation at ARNIS..(kinakailangan ng multitasking) XD

-Nakipagkita rin kami kay eli na kakagaling sa kanyang klase sa Makati Med..Benta etong si eli..kasi naman di marunong magtago..alam mo naman na observant akong tao eh..XD

-Sumabay kami ni eli sa kotse ni katan..kasama rin si tita na napakafriendly pati rin si kyle (younger brother ni katan) na todo naubusan kami ng english vocabulary..di naging boring ang aming paglalakbay papuntang muntinlupa.

and speaking of muntinlupa..

-first time lang namin ni eli na makadaan sa skyway..XD. Ayon. syempre medyo lumabas nanaman ang aking expression na.."wow….ahh..ayon…ahh..wow…" na paulit ulit. Medyo nakakahiya nga lang pero eh ano naman first time ko nga lang nakadaan..sayang di ako nakapagwish..XD

-teka.naalala ko lang..may benta scene rin etong si eli..nasa may guadalupe pa kami non tapos sabi ko sa kanya..eli..anong mrt station ito..eh di niya alam kaya nagbigay si tita ng clue..o letter G nagsisimula yung word..etong si eli with feeling pang sinabi: GLORIETTA! XD. Talagang sumakit yung tiyan ko sa kakatawa sa sagot niya..okay lang iyan..kaya nga tayo LOPEZ eh..we bring joy to the people around us..saka etong si eli:elenore lopez ang pangalan niya..kapangalan niya ate ko…kaya nga magkapatid kami..teka.di pwede iyon..kasi penguin ka tapos ako’y isang hamak na clam..XD

-Di na ako nanibago sa daan yung pagkababa namin sa skyway..familiar na ako sa daan dahil dumadaan ako doon tuwing fieldtrip o kaya family vacation saka kapag dinadalaw ko daddy ko sa manila memorial park sa paranaque.

-Pagdating namin sa bahay ni katan mga 6 p.m. na iyon namangha ako sa kanyang bahay pati na rin sa lugar nila..napakalaki ng daan (pwedeng magpatintero) at sobrang tahimik..parang nakakahiya na magingay sa kanilang lugar.Pagkatapos namin magayos at makipagkulitan kay katan..(cyempre.taking advantage habang kami pa lang ang guest..) ay nangyari na ang isa sa mga pinakanakakahiyang experience sa aking buhay..grabe.nakavibration-greeting mode pa ako.XD buti di ko ginawa yung entrance natin..parang gusto ko na lang magevaporate that time..

-Di kumpleto ang animalia na medyo ikinalungkot ko..Aleph-check (namiss ko ang ating conversations..aka:pampalaki ulong conversations..XD at ang Sam Milby na autograph na mukhang SAM MIILKY..XD sayang dapat nagpasign ka rin for john lloyd..)..Eli-check..Tario-check..Ako..Check..Faye,Pralaine,Cla,May..spiritually check..:)..Cla: Get well soon..at May: benta ang pagkanta mo ng i-wish-u-a-happy-bday kay katan na inabot ng 30 minutes bago ka namin mapakanta.Ayon.Picture galore..Eating Galore..at Investigating Galore..XD Tario: humanda ka na:Ikaw na ang susunod.XD

-Natapos yung party ng mga 10..KONTENTO ako sa food.sa people.sa friends.lalu na sa giveaway..parang nafeel ko ako si julian ng my girl…XD

-Nakakahiya man..pero inihatid kami ulit ni tita sa shang. kasi nga gabi na..pero sabay kami ni tario at ni eli…sobrang nagign masaya yung araw na iyon..

Kaya 12:30 a.m. na ako nakarating sa bahay.Medyo pagod pero masaya…:)

Next stop: Eli’s debut sa November 4..sa may greenwoods..hay.

pero bago iyon.

Ang final week ko sa PNU…SUCKS kinakabahan na ako sa grades ko…at cyempre.aral..aral..aral..mode..hay..

Isang linggo na lang..

mali..

Isang MAHABANG linggo na lang…

Sa uulitin.

Dahil nga sa sobrang haba ng pila ngayon sa Philcoa with matching raindrops pa.Naisipan ko na sagutan ang mga survey na nakikita ko sa buliteen..wala lang.pampalipas oras.XD

1. LONGEST RELATIONSHIP?
– wala pa nga akong nakakarelasyon..bata pa ako..teka.nasa tamang edad na nga pala ako..XD..pwede na..hehe.Pawang joke lamang po iyon..

2. LAST GIFT YOU RECEIVED?
– Si wyley na binigay ni elmo nung kaarawan ko..:)

3. EVER DROPPED A CELL PHONE?
– siguro.di ko namalayan na wala na pala sa akin yung cellphone ko yung oras na iyon eh.kaya eto wala pa rin akong telepono.X(

4. WHEN’S THE LAST TIME YOU WORKED OUT?
– pwede bang maconsider na workout ang pagcocommute at yung practice kanina para sa finals ng PE?..XD

5. THING(S) YOU SPEND A LOT OF MONEY ON?
– pagkain.matakaw nga kasi ako eh.saka songhits at matinong libro.

6. LAST FOOD YOU ATE?
– corned beef with rice na baon ko sa PNU kahit walang pasok..nagbabaon pa rin ako..San ka pa? XD

7. FIRST THING YOU NOTICE ABOUT THE OPPOSITE SEX?
–yung height..hehe.saka yung mukha lalu na yung mata.

8. ONE FAVORITE SONG?
– the devil within ..sobrang nakakalss iyon lalu na yung last part..*clears throat*..DON’T YOU..!!!-tama na baka mas lalung lumakas yung ulan.XD pwede pa bang humirit ng isa..Panaginip lang ng Paramita..Astig rin iyon.

9. WHERE DO YOU LIVE?
– sa bulubunduking parte ng San Mateo Rizal…

10. FAVORITE MALL STORE:
– FOODCOURT.walang aangal.XD. Saka di talaga ako mamall na tao.Gastos pa iyon.

11. LAST WEDDING YOU ATTENDED:
– Wala pa ata.Ni di ko man lang naranasan na maging flower girl noh..kaya ate yo…bilisan niyo na..para maexperience ko naman XD.

12. FIRST FRIEND YOU’D CALL IF YOU WON THE LOTTERY:
– syempre! wala noh XD.

13. LAST TIME YOU SAW YOUR BEST FRIEND?:
– Si Jennifer Aragon na pinsan ko rin..kailan nga ba? If I’m not mistaken summer pa yung last time kaming nagkita at nagkakulitan..ang tagal na as in..at namimiss ko na siya lalu na ang mga libre niya sa akin..XD.

14. FAVORITE FAST FOOD RESTAURANT:
– Eto ang pinakamahirap na sasagutin ko ah..teka.pagiisipan ko..marami kasi eh..tatagal pa ito kapag inisa isa ko pa lahat..XD

15. BIGGEST LIE YOU HAVE EVER HEARD:
– Okay lang ako! - with matching facial expression na parang gumuguho ang kanyang mundo..

16. WHERE’S YOUR FAVORITE PLACE TO EAT WITH FRIENDS?:
– dipende sa kaibigan.sa PNU friends:sm manila sa may food court..naalala ko tuloy yung sushi day namin na di ko na na"cecelebrate" dahil nga medyo busy na sa eskwela..kapag Animalia: sa koridor ng four1-0506 particularly sa tabi ng canteen..kapag ibang friends sa St.Paul…koridor pa rin..uso sa St.Paul ang kumakain sa koridor eh..XD.Namiss ko tuloy bigla sila.X(

17. CAN YOU COOK?
– SYEMPRE..naniniwala ako na kapag malakas kumain ang isang tao dapat marunong siyang magluto…XD

18. LAST TIME YOU CRIED?:
– Kahapon di ko inaasahan na iiyakan ko yung taong iyon pero di ko mapigilan eh kusang lumabas yung luha ko.Okay..past is past..move on..

19. MOST DISLIKED FOODS:
– MARAMI.Ampalaya,Atay,Cauliflower and the likes, ONION!, Salamon Belly,Okra,Talong at mga salads except sa fruit salad.

20. THING YOU LIKE MOST ABOUT YOURSELF:
– Totoo ako sa sarili ko lalu na sa nararamdaman ko

21. THING YOU DISLIKE MOST ABOUT YOURSELF:
– medyo pikon.alam niyo iyon..bunso attitude..

22. FAVORITE MOVIE?:
– Tignan niyo na lang ang profile ko..XD

23. CAN YOU SING?:
– Dapat ang tanong ..nasa tamang tono ba ako kumanta…XD..pero in furness..minsan nasa tono…

24. LAST CONCERT ATTENDED?:
– Ika-16 ng Setyembre iyon..sa UP Bahay ng Alumni..nasaksihan ko ang nakakawindang at nakakainlab na mga pangyayari…XD.Kasama ko si Riza at StefMacam.benta.Sayang walang videocam..XD

25. LAST MOVIE RENTED:
– GTO na live version.Salamat ulit kay elmo…XD

26. ONE THING YOU NEVER LEAVE THE HOUSE WITHOUT:
– Bag..XD.Kasi ako yung taong palaging marami ang dala.

27. FAVORITE VACATION SPOT?:
– yung mga pinuntahan ko nung lakbay kalikasan sa highschool lalu na yung mt.banahaw..XD.Mahilig ako sa adventures eh..:)

28. LAPTOP OR DESKTOP COMPUTER?
– Desktop..ewan ko ba kung bakit.

29. FAVORITE COMEDIAN?:
– Ate ko (mamili na lang kayo sa 2) XD.lalu na kapag tinotopak na nagsasalita ng sunod sunod na japanese words..XD

30. DO YOU SMOKE?:
– Hindi at AYAW ko..I want healthy lungs..:)

31. SLEEP WITH OR WITHOUT CLOTHES?:
– sa tingin niyo ano kaya..XD

32. WHO SLEEPS WITH YOU EVERY NIGHT?:
– Si wyley na nasa tabi ko palagi..pati na rin si Christian Bautista..ayy..si John Lloyd rin pala….libre mangarap kaya pagbigyan niyo na ako…XD

33. DO LONG DISTANCE RELATIONSHIPS WORK?:
– Dipende sa tao..pero kapag nangyari sa akin iyon…oo..sa akin na lang yung explanation kung bakit..

34. PANCAKES OR FRENCH TOAST?:
– pancakes..don na lang ako sa mas mabigat sa tiyan noh.XD

35. DO YOU LIKE COFFEE?:
– I ADORE COFFEE..makape kasi ako lalu na sa umaga.Nakakahypotonic kasi iyon..

36 HOW DO YOU LIKE YOUR EGGS?:
– sunny side up..saka medyo basa pa yung gitna..para masarap ihalo sa kanin..

37. DO YOU BELIEVE IN ASTROLOGY?:
– mahilig ako sa mga bituin (mapastarfish,stars sa langit o artista man) pero di ako naniniwala sa mga ganyan..

38. NUMBER OF PILLOWS?:
– 4…dalawang maliit at dalawang malaki..parang comfy ang feeling..

39. WHAT ARE YOU WEARING RIGHT NOW?:
–Juniors na intrams shirt ko sa SPCP wid matching shorts..mukha daw akong lalaki..X(

40. PICK A LYRIC, ANY LYRIC:
– "When you told me that life changes and that no one really knows…and even though the winds of time would change in a world where nothing stays the same and though it all our love would still remain"

Yehey.Natapos ko na..Masaya pala gawin ito..XD.Magawa nga next time..

Sa uulitin..

To make things short.

Hindi ko nakuha yung isa sa magpapaligaya sa akin ngayong linggong ito.

Iyon na nga lang ang magpapaligaya sa akin ngayon–sa gitna ng aking pagdurusa sa mga gawaing pangkolehiyala katulad ng reports sa phil.his (japanese occupation) at bio. (excretory system), final exams sa values,phil.history,eco.,english (lahat naman eh..), quiz pa bukas sa math tungkol sa factoring atbp. dahil na nga magtatapos na ang 1st. sem. at ang aming presentasyon sa P.E. na pamatay rin..

Siguro dahil masyado mali SOBRANG umasa ako na makukuha ko iyon ngayon araw na ito.

Aaminin ko na halos gumuho ang mundo ko yung nalaman ko na di nga nadala. Alam niyo yung sa anime yung biglang glass na mababasag at magpipiraso (nagpirapiraso..speech choir ba ito?–tiga1-20 lang makakagetz nito..)saka yung iiyak na parang babaha na sa paligid..ganon ang gusto kong gawin pero syempre di naman ako anime.

Cge.Reasonable naman yung excuse..pero nalulungkot pa rin talaga ako.

Wala tuloy akong inspirasyon bukas.:(

Pati na rin sa susunod na araw

….pati na rin sa darating na mga araw.

:(

Hay..:(

Lesson: huwag masyadong mahypotonic sa mga bagay ito’y nakasasama at nakamamatay X(

:(

at bukas maalala ko nanaman iyon for sure…:(

Sa uulitin.

Katulad nga ng sinabi ng aking kaibigan na si elmo.

NAKITA na namin siya.

Sa di inaasahang na pangyayari nakatambay ang 1-20 sa faculty ni sir.mercado dahil nga nakikipagnegosyasyon pa kami sa kanya dahil sa kala niya wala pa kami sa auditorium..nandoon kaya kami sa tabi.+grr..+ kaya eto 8:30 pa rin uwi ko ngayon.Kala ko pa naman maaga na akong makakauwi..

anyway ayon..tapos nakita ni ricel si sir.billy tapos napatingin ako at lumaki ang aking mga mata with 20-20 vision kong nakita si mam. jeremie. Doon ko na nga nasabi ang mahiwagang salita..

"ELMO…Ayon Siya….!!!!!"

elmo parang di getz nung una pero nakita niyang may kaholding hands si sir.billy..don lang niya nagetz ang gusto kong sabihin..

"AHHHHH!!XD"

TAKBO.

Di kaming nangalinglangan kung magmukha kaming tanga na tumatakbo with heavy equipments (AKA:mabigat na gamit) sa koridor basta’t makita lang namin sa personal si jeremie.as in yung malapitan.

Buti na lang at naabutan namin sila na nasa staircase.

Nakita kami ni sir. at tinanong kung bakit kami nandoon.

Teka. in furness ni di nga namin alam ni elmo ang sasabihin namin eh buti na lang mga estudante si sir billy na kinausap..nabigyan kami ng pagkakataon na makaisip muna ng matinong sasabihin..nakakahiya naman kasi kay mam jeremie baka may masabi kaming "kakaiba"..XD

Tapos may estudante rin na kumausap kay mam jeremie. Tinitignan ko siya non. May inabot pa nga na papel yung estudante sa kanya.ang tawag sa kanya ate..

Ako naman naisip ko na mam jeremie ang tawag ko sa kanya.kasi g.f. siya ng aming titser..kaya mam.:) Saka baka magalit siya kapag "ate" ang tawag ko sa kanya..XD.joke lang po.di niyo magegetz iyon unless ikaw ay nandoon sa 1st meeting namin with sir.XD.pero past is past..naalala ko lang kasi bigla yung incident na iyon eh.

Siguro IKAW na nagbabasa ngayon ng blog ko..naiisip mo kung bakit ang kakapal ng pagmumukha ng aming face at gusto namin makipagkilala mali uhm. makita ng personal ang girlfriend ng aming teacher. Inaamin ko na talagang kahit di halata nahihiya rin naman kami (kaya nga lang yung hiya na iyon..narerealize lang namin na nahihiya kami after the "incident" hindi during the "incident" XD). Isa lang ang kasagutan diyan sa tanong mo..

Kasi kami ni elmo ay fangirls..

HIndi fangirls ng aming teacher..

kundi "fangirls" kami ni mam jeremie. Weird noh ni di niya alam iyon siguro pero eversince nalaman namin ni elmo ang lovelife ng aming guro nagkaroon kami ng "pagnanasa" (parang maniac ang labas..XD ibahin ko nga..) "curiosity" kung sino ba yung naging "pacifier" ng prof namin na kilabot (Geronimo,E.(2006).Jeremie’s fangirls.friendster;Manila) kaya ayon fangirls kami ni mam jeremie.

kaya lang kanina..natakot ata si mam jeremie sa amin.

Ngayon lang ata siya nakakita ng masyadong hypotonic na mga estudante. Kasi lumipat siya sa kabilang side ni sir.billy yung kinakausap namin siya eh.

Sa sobrang saya nga namin wala kaming masabi kay mam kundi "hi po!" pero ang dami kong gustong itanong.Nablanko ako sa kagandahan niya eh.Ni di siya nakapagsalita sa amin.:( pero okay lang.Alam po namin na naweirdohan siguro kayo sa amin ni elmo.

Wala po kaming bad intention sa inyo po.pramis.

Kaya.Sorry po kung nagulat man po kayo..sorry rin po sa aming teacher na si sir. billy kung medyo makulit kami ni elmo..*kaya nga kami fangirls eh!* XD

Alam niyo ba ang makita si mam jeremie ang isa sa mga goals namin ni elmo bago matapos ang unang semester namin sa PNU. Kaya ganito kami kasaya na nakita namin siya.

May isa pa kaming gustong makita na personal na girlfriend eh..yung g.f. ni sir.bau (teacher namin ni elmo sa physics at gensci.tapos moderator ni elmo sa arts club). Ang dami kong naririnig tungkol sa kanya..kaya nacucurious na kami sa g.f. niya..Kaya namin ito.FIGHTO-OH

Sa uulitin.

Sobrang saya ko nung sabado.

Kahit na medyo nakakawindang ang mga nakikita ko sa daan dahil kay Milenyo..di ito naging hadlang upang maging maligaya at magwala parang baliw.

Sa mga di nakakaalam.Nagcelebrate kasi si elmo ng kanyang 18th birthday (haha.pare.LEGAL ka na XD..kala di pa ako 18) actually birthday niya sa lunes (October 2) pero dahil nga napakatoxic ng araw na iyon napagtanto niya na icelebrate na lang niya nung sabado. Ang astig nga kasi bday rin ng kanyang MADEAR! (happy bday rin tita..).

Ayon ang daming relatives (naalala ko yung text ni riza.:) ). Pagdating ko nga maling bahay pa ang pinasukan ko.Walang sumasagot buti na lang naisip ko na baka sa bahay ng kanyang lola icecelebrate kaya naglakad pa ako ng kaunti. Una kong nakita yung parent ni elmo.  Pagpasok ko sobrang nagulat ako kasi nakasalubong ko bigla si elmo sa pintuan (muntik na akong matamaan nung screen door). Kainan ang sumalubong sa akin. Tapos ayon nagulat ako kasi nandoon yung mga kaibigan namin ni elmo. Ang warm nga nung greeting nila sa akin eh.Nakakatawa pa kasi nakapila sila.

Pagkatapos humanap kami ng aming pwesto tapos kumain. Parang fiesta sa dami ng pagkain..bale wala nanaman ang aking "bawas-kanin" sacrifice.:( pero di ko maiwasan.masarap talaga lalu na yung kare-kare XD Don na nagsimula ang mga "kamusta-na-ang-bukay-kolehiyala" conversations. Ayon ang daming gustong magvolunteer na mauna. Medyo nashock ako sa mga buhay nila. Ang dami ng nangyari sa kanila..pati na rin ang kanilang lovelife.

Di maiwasan na di mapagusapan ang UAAP finals na Ateneo VS UST. Sila Val at Stef kasi Atenean tapos sila Christine. Jovic, Madz ay USTE kaya ayon rambol sa kaingayan. Mayroon rin naman "kebs" lang sa isuue (Riza(CEU-Makati),Ako at si Elmo (PNU), Ama (DLSU) at si Therese (UP)..bumuo na nga lang tayo ng sarili nating UAAP kasi eh!) pero sobrang saya lalu na kapag nagtapat na si Ama at si Val.hehe.

Tapos ayon puro picture at kumanta ng happy bday kay elmo na medyo nawindang ako kasi may white wine. Medyo KJ ako at di ako uminom.Ayaw ko kasi talaga. Nakakahilo yung amoy. Tapos ayon picturan si elmo kasama family niya. Tapos iyon ay dumiretso kami sa living room nila at naglaro ng madjhong. (tama ba spelling? di kasi ako naglaro eh.) at baraha. XD. Tapos ng special conversation kami ni Stefmacam at Riza..kung tungkol saan..SECRET! XD medyo di rin kinaya ng powers namin ang mga nakalap naming balita eh.

Tapos ayon dumating si Mama at Ate tapos may takeout pa akong balloon na pink na may nakasulat na "Hapy 18th birthday Roselyn.." grabe.di talaga ako sanay na Roselyn ang tawag kay elmo.Layo kasi eh!

oo nga pala elmo what’s with the color pink?

Pink na shirt,pink rin yung mukha mo at ang daming pink sa paligid. :)

pero masaya talaga sana maulit muli iyon.Sino na ba susunod na magbibirthday?

Ganito pala ang feeling kapag ang tagal niyong di nagkikita. Nakakaloka!

Basta elmo.Happy Birthday..:)

Sa uulitin.

« Newer Posts - Older Posts »