Feed on
Posts
comments

Sa lunes na ang aming fielddemo para sa opening ng SCUAA.

hindi ako napapasama sa mga fielddemo yung highschool days ko sa st.paul (pili lang kasi yon..) pero yung mga nakaraang linggo wala akong ginawa kundi ipractice yung steps

pampayat ng mga fats na naipon sa aking katawan yung xmas vacation :)

kakakuha ko lang yung costume namin kahapon..next topic na kasi baka yung ano pa ang masabi ko..

medyo masakit na rin ang aking hita at paa dahil sa mga steps namin (tere:sana okay na yung paa mo…:) )

pero at least matatapos na ang aming kalbaryo sa lunes

at pakatapos non..

ay haharapin namin ang panibagong kalbaryo–ang aming acads.

di na kasi kami nakakapagklase dahil sa mga practices namin pero kakayanin ko iyon..:)

AT

nawa’y may maipasa ako sa History, Filipino at BEED..

***

Isa

Dalawa

Di na pwedeng tatlo.(actually kaya mo rin iyon eh..XD)

whehe.

benta talaga iyon..XD

Masayang magstay sa PNU ng gabi lalu na kung nakatambay ka lang sa grass.(yung banig ko dadalihin ko na nga paminsan minsan)

Ate Jhem at Oniisan

salamats sa mga kwento niyo…:)

kapag kasama ko kayo..masaya ako (with matching kilig moments pa!)

parang gusto ko na rin magkaBF..(TSUGUG XD..oisst..huwag masyadong seryosohin yon ah)

masaya na ako sa aking estado sa buhay…:)

alam niyo ba naisip ko nga yung naglalakad ako papuntang Padre Faura na marami na akong alam sa buhay ninyong dalawa tapos ako di ako masyadong nagkukwento tungkol sa aking buhay

syempre exception na don si wiki(gusto pa special mention..XD) pati na rin yung iba kong crush

magshashare din ako ng istorya ng aking buhay..kapag handa nako na ishare iyon sa inyong dalawa…

SALAMATS ulit

:)

Sa uulitin…

random stuff…

ang aking pinakaunang blog entry para sa taong 2007

* debut ni mirene..

naisip namin ni elmo na sabay na lang kami pumunta sa debut ni mirene (hala elmo..6 na beses na tayo nagkikita..kulang na lang linggo)plano namin na magkikita sa mister donut (farmer’s plaza). Nakakatawa kasi nagalala ako baka di kami nagmeet kaya naisip ko na tumambay na lang sa mrt mismo…ayon muntik na kami di magkita (MUNTIK lang naman eh..) Dumaan kami sa gateway tapos may tinuro akong sapatos na kulay green (ang cute kasi) tapos sumakay kami ni elmo sa lrt 2 tapos bumaba kami sa gilmore station tapos nagjeep kami papuntang..

NESTLE CREMERY!!!! (tama ba?!? Sensya na kung mali..)

pagdating namin don ay sinalubong kami ni mirene. Nakakatawa nga  kasi di kami dumaan don sa mismong entrance..(dapat talaga nagover the bakod na lang tayo elmo don sa may halamanan eh!!XD) una naming nakita si Kimi at si Corina.Nagulat ako nung makita ko si Andrea (na mahilig pa rin kumuha ng stolen shots..hmmmp..kulet pa rin..) saka sila Jlou (namimiss na kita..pramis..:) ),Chris V atbp. at syempre si Riza (mabuti naman at nakarating ka..:))

Pansin niyo ba naging mistulang PAULINIAN reunion iyon..:)

Ang sarap ng food at syempre yung ice cream!!!(Nako.bale wala na rin pala yung practice field demo ko sa PE)

Tapos yung isa sa mga bagay na ikinatuwa ko don ay yung malaking inflatable na castle..ayon di namin napigilan ang aming sarili na itry iyon..(aba..minsan lang naman iyon eh..) kahit nga nakaupo ka lang don ay tatalbog ka pa rin..(naalala ko tuloy si Kimi..:) ) tapos proud ako kasi nakaakyat ako don sa rope ladder (hirap pala non) tapos nakakatuwa din yung mga sumasayaw na ates at kuyas ..in fairness ang lalambot ng katawan nila…XD at nagballroom dancing pa kami…(chacha at swing..hala..reminiscing 3rd year days..:) )

ayon nakakatuwa din yung washroom nila..lahat automatic…:) (sorry na naaamaze lang kasi ako sa mga ganon..)

at yung main highlight ay yung videoke sessions…wehehe.

"I’m never gonna dance again….(with matching "dancing" pa!!)"

ilang beses ba kinanta iyon?!? XD

at ang last song namin…

HARK DAUGHTERS OF THE GREAT ST.PAUL!!! XD dabest si riza don..:)

ayon kaya sobrang saya nung araw na iyon..:) di naman obvious noh?!?

* quantum sa SM Manila

yung 1st week ng january medyo nagkaroon ng bonding time ang 1-20 sa quantum at ang aming bonding session ay ang..

VIDEOKE…

aba.Joanne V. SALUDO ako..100 ang score with her version of I TURN TO YOU..galing din yung backup singers mo XD

pero ang pinakabenta talaga si ay Tin..

"Di ka ba napapagod?" (kami pagod na pagod na..XD) uyy..JOKE lang iyon ha.PEACE tayo..:)

saka si Tere..NSYNC fan ka pala ha!! XD

di kami kumanta ni elmo dahil naglaro kami nung kotse (isa lang ang masasabi ko don..di pa ako pwdeng magdrive..XD) tapos nagTekken  kami (abbiesan namimiss na kita..:( ) tapos team work kami don sa drums saka yung sword at syempre di namin pwede mamiss yung time crisis…XD

Next time elmo..pramis itatry ko na yung kamay version nung dance revo..(sensya na di ko alam yung tawag don eh..)

* Psychology sessions..

Eversince natackle ni Elmo at ni Pau yung topic nila..di ko maiwasan isipin yung 30+ na defense mechanisms ng tao..saka naging interesado ako don sa libro ng ate ko tungkol sa personality..wala lang..bigla ko lang naisip yung Psychology ngayon kaya natype ko dito sa blog ko..

* Bonding sessions sa UP CAMP

Dahil gawa nanaman yung kotse namin..hinihintay nanaman ako ng aking ate sa UP Manila…

kaya nga napapadalas na yung bonding session ko sa kanila..

lalu na kay Sir este Kuya Gilbert at Kuya Ej..

nakakatawa nga kasi kilala na ako nung guard don eh..sinasabi na lang nila na "Nasa taas na yung ate mo"..o diba?!? wala pa akong sinasabi eh)

Masaya akong nakakasama ko sila kasi masaya silang kasama at kausap..

naalala ko yung sobrang busy sila..nako…sabi ko nga kay Ate Yo.."I FEEL LONELY.."

di kasi ako sanay na sobrang seryoso sila..

PROUD na PROUD nga ako sa ate ko..

kasi magaling siyang guro

at nararamdaman ko na mahal na mahal siya ng kanyang mga estudante at cofaculty..

saka parehas kasi kami ng pananaw sa ugali ng isang titser..

Kay Kuya Ej naman..

Unang kita ko pa lang sa kanya..ang taas ng tingin ko sa kanya yung tipong kagalang galang at magaling na guro..di naman sa natakot ako sa kanya..actually di na nga yon 1st impression kasi magaling naman siya..di ko pa rin nakakalimutan yung nasa KFC kami..benta kasi iyon eh..

Actually kung may oras ako..gusto ko silang makitang magturo..tapos pagtatawanan ko sila..WHEHE.JOKE lang..

Hangang ngayon di ko pa rin maimagine si Kuya Gilbert na magalit..kasi di bagay sa kanya na magalit eh…

di na nga kumpleto ang araw ko kapag di ako nakakadaan sa CAMP eh..

:)

Sa uulitin..

bago magtapos ang taon (as in december 31) ay ipinagdiriwang ng Aragon family ang kaarawan ng aking pinakamamahal na pinsan na si Jenny

at dahil sa 18th bday niya ngayon taon kinakailangan na pumunta kami sa San Pedro Laguna.

(o diba ilang oras na biyehe iyon from San Mateo Rizal papuntang San Pedro Laguna buti na lang at mayos na yung kotse…:) )

Actually before kami manirahan sa Pasig ay nakatira kami don sa San Pedro pero si Ate Yo at si Ate Bernie pa lang ang may malay nung panahong iyon (processing pa lang ako..:) )

masyado kaming naexcite ni ate bernie sa bday ni jenny kaya nagplano kami ng maikling program para sa kanya at kami na rin ang napresentang maghohost non (walang nagawa si mama..hehe.)

Kaya ayon..napalamon nanaman ako sa pagkain..XD

Nagkaroon pa ng 18 wishers na required na kumanta at cyempre kasama ako don ^__^

ako ang naging 24 hour boyfriend ni Jenny..XD Nakita ko na (sa wakas!!) yung umaagaw sa aking position naku iho.bawasan mo ang pagiging mahiyain ah di naman ako nangangagat. Di ka man lang makatingin sa akin yung ipinakikilala ako ni jenny sa iyo.

pero as always kinakailangan mo munang dumaan sa ylagan-lopez-aragon jury upang makilatis ka!!! (di ako nanakot…pramis..)

and speaking of kilatis..

Aprub si Anne sa akin!!!!CONGRATS JASPER XD

masaya rin ako dahil nakilala ko ang mga kaibigan ni jenny sa LICS at sa UPH-laguna okay silang kasama…:)

masaya rin ako dahil makabonding namin si LA (isa sa mga second cousins namin..:) )

benta pa rin yung ginawa ni ate bernie nung umaga..PANALO!!!

overall sobrang saya to the nth power ako..:)

+++

2 ko pa lang nakakasama si jenny sa bday niya dahil nga nakaugalian na namin na magstay sa San Mateo during xmas break

yung unang beses na nakasama ko siya ay last,last year.

Pumunta yung cousins ko dito sa Phil. as in kumpleto sila (si kuya Dave,Tim,Ed,Wyle)

tapos yung dec.30 nagkaroon ng bonding sessions sa pier one sa makati..benta kasi yung mga minors (ako at si jenny) ang nakapasok nang di tinatanong tapos si kuya wyle na nasa legal age naman ang hiningan ng ID hehe.

bigla ko tuloy silang namiss…

sobra nga ako nalasing eh..sa softdrinks XD

pero balita ko darating sila tita linda at tito joey sa january 2 eh..pero sila lang.okay na rin iyon.:) kaya lang mukhang di ko sila makikita dahil may pasok na ako non..

Sa uulitin

at happy new year ulet sa inyong lahat!!

MASAYA AKO KAHAPON dahil….
Successful ang xmas party ng wantuwenti
I.1.Masarap ang pansit ni Juliepearl (da best talaga..pwede ka nang magpakasal kay.. yihii!!! XD hala.kilig mode nanaman ako)
I.2.Benta ang hinandang games ni meanne at ni ate nico
I.3.Pumunta ang karamihan ng 1-20 na may majors na (buti nakahabol si ate joy :) )
I.4.Nagkaroon ng live performance si Mark(CONGRATS mark pati na rin kay jerald..proud ang wantuwenti sa inyong dalawa) with his nakaLSS na MISS KITA PAG TUESDAY
I.5.Nagkaroon ng exchange gift.Benta talaga yung gift ni herson…PANALO!! XD Camille Ballaoro: sensya ka na sa gift ko ah pero galing talaga iyon sa puso at Pau: Salamat sa pin..ASTEG!!
I.6.Nagkaroon din ng awarding ceremony astig nga kasi lahat ay may award at 2 lollipop
I.7.Nakita ng wantuwenti ang "picture scandal" ni ira sayang at wala na tayong pangblackmail sa kanya kasi nadelete na sa cellphone ni mark
I.8.Nakahiram kami ng speaker.teka…kanino ba natin nahiram iyon? XD
I.9.Ang pagbabalik ni ricel..HINDI talaga kinaya ang powers ko..
I.10.Nagamit yung banig na dinala ko :)
I.11.Masaya ang mga laro namin sa grass. Nakailang palit rin kami ng plastic…benta yung plastic na hulog ng langit (literal ito..pramis) at etong si ray FULL FORCE kung mangbato yung tipong matatawa ka kahit di ka naglalaro.

pero napansin ko na medyo tahimik ako.

Siguro iniisip niyo.."HHHUUUWWAAATTT! si Louanne tahimik?!?"
dati okay lang ako kapag wala akong kasama kasi nagiisip lang ako ng mga bagay na ikaliligaya ko
pero
iba yung sitwasyon ko kahapon…

Magisa akong nagcommute pauwi at nagkataon na yung sinakyan kong bus ay walang radyo.Eto pa sobrang tahimik ng mga kasama ko sa bus karamihan tulog so SOOOBBRRAANNGG tahimik.Mabaet pang magmaneho yung driver kaya suave yung biyahe ko.

Di ko maiwasan na maging malungkot kasi biglang pumasok sa utak ko yung mga pinoproblema ko.

Namomoblema ako kasi APEKTADO ako.
Hindi kasi nila naiisip na sa bawat aksyon na gagawin nila ay may mga taong maapektuhan.
MALI pala…let me rephrase that
Alam nila kung anong magiging (masamang) resulta ng ginagawa nila pero okay lang sa kanila kasi nagawa na nila kung anong gusto nilang gawin…in short: wala silang pakielam..

Nakikita naman nila na naapektuhan na ako pero ganon pa rin…walang pagbabago.

Eto ang masaklap na katotohanan na hinaharap ko ngayon.

pero sabi nga ni ate jhem sa akin "Everything happens for a reason."

BUTI na lang may mga nangyayari sa akin na ikinaliligaya ko kahit saglit

Sa uulitin.

1st STAR: ang shirt ni elmo

Nagkita kami ni elmo sa LRT Vito Cruz station at laking gulat ko nang makita ko ang suot niyang shirt na may bituin. Di lamang iyon kulay purple pa (that’s so ME!) sayang at di kasya sa akin ang shirt na iyon kasi kung nagkataon..+evil laugh+..alam mo na..XD pagkatapos ng pag"ahhhh" ko sa kanyang tshirt ay naglakad na kami papunta sa sakayan ng jeep na kulay kahel. Ang malas nga lang namin dahil SSSOOBBRRAANNGG mahangin…

Pagdating namin don ay nakita na namin ang iba pang tiga 1-20 nakaupo sa tabi ng parking lot ng Aliw Theater. 1st time ko lang mapadpad don. Nakilala rin namin ang kapatid ni Tin2x (di mo maidedeny na magkapatid kayo..the looks pa lang pare ..XD). Ang daming tao at karamihan ay mga estudante rin. Nagutom kami ni elmo kaya kumain muna kami sa tabi ng aliw theater nako..badtrip iyon..sayang at wala silang nameplate..yung una badtrip si elmo kasi ang tagal niyang nakatayo sa pila tapos etong cashier inentertain pa yung babae na hindi nakapila. Pangalawa: ang tagal ng order namin…kinakailangan pa na ipakita mong naiinip ka na sa inorder mo..napataas ako ng kilay ng di oras…feeling namin kasi hindi na namin masisimulan yung palabas eh. Pangatlo: Nauna ang order ni elmo kaya pinauna ko na siyang kumain. tapos dumating na rin yung order ko(after how many years..) ngayon lang ako nakakita ng siomai na walang toyo. Naisip ko na baka naman may condiments section sila pero wala. kaya humingi na ako kay ate ng toyo aba etong si ate pumunta lang sa cointer mukhang nabrainwash ang utak kasi nakalimutan niya yung hinihingi ko so tinawag ko na lang si kuya..aba.ganon din.Ano ba ang meron sa counter na iyon at nabrebrainwash sila. Kaya di ko na hinintay yung toyo kasi nagmamadali na rin naman kami.Mas malala pa nga ito eh kaysa don sa Shakeys kasi toyo na nga lang yung hinihingi ko..X(

Pagbalik namin nako wala na sila tere…mukhang nakapasok na sila kaya pumila na kami ni elmo nagulat kami kasi nasa likod namin si Sai yung kaklase namin sa psychology. Mabaet siya..:) tapos nakita rin namin si bec at si jill kaya sabay sabay kaming pumasok. Malas nga lang namin at napahiwalay kami sa ibang 1-20 kasi wala na kaming upuan..X( pero okay lang kasi don na namin nakilala ang susunod na bituin na si……

2nd STAR: Si Edison
Habang nagpipicturan kami ni elmo ay biglang sumulpot si edison. Kinukuha niya ang digicam ni elmo kasi bawal sa loob ang digicam. Pagkatapos niyang umalis ay "kinilig" kami ni elmo at ni ira (grabe.buti talaga at nakapunta ka ira…:) ). Ayon pala isa lang ang iniisip namin nung mga panahong iyon: Ang gwapo niya noh..XD Salamats kay Maria Theresa dahil sa kanya namin nalaman ang kanyang pangalan..sayang at di tayo nakapagpapicture sa kanya.

3rd STAR: Si Liza Macuja
Siya ang major star sa pinanood namin na "The Nutcracker" sa Aliw Theater. Sharing lang: kala ko matangkad siya pero di pala at least magaan siya..XD irereserve ko na lang yung iba kong saloobin sa palabas na iyon sa reaction paper ko sa Humanities.May tanong na nabuo sa aking utak habang pinapanood siya: Kailan kaya ako mabubuhat ng ganon?..mali pala: Ilang tao ang kinakailangan upang mabuhat ako katulad ng ginawa kay Liza Macuja?

4th STAR: Starcity
Medyo di namin nasulit ni elmo yung ride all you can tickets dahil sa sumusunod..
una: ang daming tao at dahil katulad namin naconvert nila ang kanilang ticket sa Aliw Theater kaya ayon OVERPOPULATED ang Star City
pangalawa: Di talaga ako mahilig sa mga rides as in yung mga umiikot ikot katulad ng magic carpet..eh yung tinitignan ko pa lang yon parang nahihilo/nasusuka na ako.

PERO

PICTURE galore kami ni elmo sa mga pinuntahan namin..yung isa nga bawal pala magpicture don..eh malay ba namin na bawal don. Buti nga at di kami nagkasakit eh.Hala.Cge.Parang walang katapusan ang pagpipicture lalu na don sa Little Mermaid XD

5th STAR: Si Ate Yo
Ang laki ng utang na loob ko sa ate ko kasi dahil sa kanya makakapunta ako sa UP-AME pati na din don sa isa ko pang ate na si Ate Bernie dahil may racket siya sa UP Theater :) kaya salamats talaga +hug+ at para kay elmo: ngayon alam mo na ang bonding namin ni ate yo kapag nasa kotse..ang kumanta na parang wala nang bukas..XD

6th STAR: Si Ate Jhem
Si ate jhem ang isa sa mga bituin ko dahil MASAYA ako kapag kasama ko siya :)
Kala ko di siya makakapunta kaya ang saya2x ko yung makita ko siya.
Alam niyo yon…ang saya niyang kasama at kausap.
Sa uulitin ate jhem…diba may next time pa?!?

at oo nga pala..

CONGRATS sa good news na narinig ko kay oneesan…:) Masaya ako at makakapagturo ka na ulet. PROUD na PROUD po ako sa iyo..:)

7th STAR: XEVEN THVRSDAY..
grabe..sobrang galeng ng performance niyo po..wala akong masabi..ASTEG!!!!
medyo nalungkot nga lang ako kasi di niyo naperform yung Pieces of Yesterday..:(
pero okay lang..ang galeng niyo pa rin!!!
Di nasayang ang pagpunta ko sa UP-AME :)

8th Star: Si Oniisan
DI talaga ako nakatulog..pramis…dahil iyon sa sobrang kaligayahan na naramdaman ko kahapon..
kulit niyong dalawa ni ate jhem (di niyo ako tinantanan kay…kilala niyo na iyon..)..natawa ako kasi may acting ka pa na nalalaman..XD
salamat kasi dahil sa iyo..nakilala ko ang Xeven Thvrsday at si Ate Jhem.
Ang 2 nagpapaligaya sa akin/amin

Arigato Gozaimas Oniisan..:)

O kailan na ang susunod niyong gig? XD

Iyon lang..

Sa uulitin

Main highlights last week…:)
ang tagal ko kasi hindi nakapagblog…

1."3-in-1"
last,last Saturday medyo naging hectic ang aking schedule..(hehe..gusto pa XD). Makipagkita ako sa friend ko somewhere in Ortigas tapos dumiretso ako sa aking alumni homecoming sa Sta.Rosa Parochial School. Don kasi ako nursery-kinder 2. Nagstart iyon sa pamamagitan ng isang misa dapat nga magbabasa ako kaya lang late akong nakapunta.(hehe.sorry na please..) ang weird nga ng pakiramdam ko siguro dahil sa ang tagal ko na rin di nakakadalaw don. Asteg yung bells nila (diba..RIZA..XD..) at nagulat ako ng nandoon si..yihii.Malas lang ni Riza kasi di ko siya tinantanan.Sensya ka na riza ah. Nakita ko rin si Ate Cristy,Kuya Resty, Kuya Abet at Kuya Eson sobrang namimiss ko na sila.
Malaki ang utang na loob ko sa Sta.Rosa kahit na sobrang pasaway akong bata. Ang naalala ko lang yung preschool days ko ay may kaholding hands ako (lalaki ito..XD). Nakapigtails pa ako non tapos ang background namin ay si mama mary. Sayang at di siya nakaattend saka yung ballet classes ko. Hanep kasi binilihan pa ako ni mader ng damit,sapatos etc. tapos ako naman TANTRUMS kung TANTRUMS..XD yung first day ako lang yung nagiiyak tapos the next meeting may kasama na akong isa pang bata tapos yung 3rd day halos kalahati ng grupo ko ang nagwawala.Nahiya na si mader kaya di na niya ako dinala. Baket nga ba ako pinapasali kasi sa ballet pero in fairness kahit papano may achievements rin ako sa eskwelahan na iyon.:)

Nakilala ko rin don ang 2 taong naging bahagi na ng aking pagkatao..

Una si Teacher Nene. Kilala siya ng mga Rosarians. Kilala siya dahil sa kanyang magandang ugali at magaling siya magluto(DA BEST pa rin ang kayang luto..) Siya rin ang nagtutor sa akin. Palagi niya akong tinatawag na ANAK. (actually lahat naman tinatawag niyang ganon pero niyo iyon.Kaya medyo nawala yung "takot" ko dahil sa kanya.:)

Pangalawa si Teacher Jane. Adviser ko siya at malaki ang naging impluwensya niya sa akin. Naalala ko pa yung nagbirthday ako (7th bday ata yon) tapos nandon rin siya. Never niya akong nakalimutan batiin kapag nagkakasalubong kami. Nagulat ako this year nakita ko siya sa Megamall nanonood ng Christian Bautista. Natawa ako non kasi hanep yung 2 cd’s ni Christian may autograph na!!Nadaig pa ako..XD.

Isa pang rason kung baket sila importante sa buhay ko ay dahil sila ang naging inspirasyon ko na maging isang guro.:)

at syempre ang Sta.Rosa De Lima parish ang humubog sa aking pagkatao. Pramis. Dati offerer lang ako nung bata tapos bigla na lang ako naging active member ng parish. Nagsimula ako bilang isang member ng Legion of Mary at member rin ako ng PYM (Pastoral Youth Ministry) dahil sa 2 orgs na iyon nagkaroon ako ng maraming ate at kuya. Masasabi kong nagkaroon ng magandang pagbabago sa aking sarili yung sumama ako sa kanila. Don ko narealize na gusto ko ang church activities. Dito rin nadevelop yung paggigitara ko.:). Proud ako dahil naging parte ako ng 2 orgs na iyon..:) saka proud ako na hangang ngayon naseserve pa rin ako bilang isang acolyte/commentator sa UPSCM.

pagkatapos no ay nagbihis na ako ng smart casual para sa debut ni Tario sa Alba,Tomas Morato. Naalala ko pa rin si Riza dahil sa a walk to remember namin. Pagdating ko don sobrang ang saya kasi present ang animalia!!:) Ang ganda ni Tario with her gown.:) Sobrang sarap ng food lalu na yung paella XD. Sensya ka na sa gift..wala na talagang budget pero galing iyon sa puso. Etong si Tario siya yung isa sa mga taong di plastik sa akin (yung tipong kinokorek ako kapag may mali sa akin..) saka natolerate niya ang pagiging Lloydy..XD Nandito lang ako..sa tabi tabi.:) Namimiss ko na nga actually ang ating kainan moments with animalia tuwing recess and lunch sa tapat ng four1.

2. Lunch sa MCDO
Pinakagusto kong araw ang lunes.
baket?
kasi ito yung araw na mahaba ang aming break.
Di na nakakagulat nasa SM kami.Syempre malamig sa SM kasi eh..XD
Masasabi ko na iyon ang pinakamasayang araw na nasa SM kami.
as in tawa kami ng tawa.
iniwan pa nila ako don sa walkalator buti na lang nakaalis pa ako don kundi maguuturn pa ako
naalala ko pa si ira sabi pa niya:O cge..babye.hala..XD
pero memorable talaga yung mcdo incident..
dahil ba ito sa fries na kinain natin o baka naman sa dami ng nilamon ko?XD
MALI..none of the above pala..
kasi si Tin2x ang star nung oras na iyon.:)

3. P.E. incident

dahil medyo nasa mood akong magPE medyo "give na give" akong nageexecute ng mga dancesteps.

Bigla ako pala ang naging sanhi ng pagkakamali ng buong klase.

hehe.Sino bang nagsabi na sundan niyo yung ginagawa ko?!? XD

grabe naman ang bonding ng 1-20 medyo nahiya pa ako kasi may section na nakatingin sa amin..

Oh well..that’s life..

4. Ang paglalaro sa grounds ng PNU

-iisa lang ang masasabi ko:

nakakalaglag pantylet ang laro natin.XD mali pala sa akin lang pala nagaaply iyon at least I SURVIVED!!

5.Ang pagbabasa ko ng nobela ni Mary Higgins Clark

Sa english pinapabasa kami ng aming propesor ng kahit anong nobela. Yung una ang pinili ko yung The Giver kala lang..mukhang di pang college level yung librong iyon pero in fairness..nagustuhan ko yung librong "All ..at natapos ko siya in 2 days dahil kay reming..:)

6. Ang pagpunta ko sa bahay ni Riza

Alam niyo eto lang ang gala ko na di kinakailangan ng pera..

baket?

kasi walking distance naman ang bahay namin sa Pasig eh..

saka solb na kami sa chika2x..at konting computer..

Naenjoy ko ang videos nila Hyde at Gackt..SALAMATS riza!! ;)

Sa uulitin..

dahil sa wala nanaman akong magawa..

inihahandog ko sa inyo ang panibagong sinagutan kong survey na kinuha ko sa matalik kong kaibigan na si Riza..:)

na tungkol sa aking buhay estudante..XD

1.ano ang name ng skuL mo?
Philippine Normal University.

2. Anong year ka?
1st year college..minsan napagkakamalan na 2nd-3rd year siguro dahil sa "malaki" ako..hehe.kayo na lang bahala kung papano niyo iinterpret yung salitang malaki..XD

3. anong Fave subject mo?
ngayon second semester..Humanities :)

4. sino ang ktabi mo sa upuan sa room mo?

dipende kung anong subject..

kapag Filipino: si Mylene at si Irene

kapag Math: si Elmo at yung malamig na pader sa HRD

kapag Psychology: si Tin2x at yung space sa side

kapag Pysical science: si Maria Theresa..ang aking partner sa paghahanap ng upuan.Kala ko graduate na ako sa paghahanap ng upuan eh..di pa pala..at least may karamay na ako..XD

kapag P.E.:si Elmo at si Pau kapag walang absentees iyon..

kapag English: si Elmo

kapag Consti: si Elmo at si Casper..XD

kapag Humanities: si Mylene at si Irene ulet..

5.Ano ang madalas mong gawin kapag walang teacher?

Nakikipagdaldalan o kaya naman nagdradraft ng blog entry o kaya naman kumakain lalu na kapag wala pa si mam infante..XD

6. anong name ng section mo?
1-20. o pasaway na section 20..boring ko..

7. masaya ka ba sa section mo?
SYEMPRE although nakakamiss talaga yung may mga majorship..yihii..kasi sila yung energizer ng aming section (mark,jerald at si ricel..XD)

8. Mei boyfriend ka ba sa skul nio?
so far wala pa naman..so far ha!..XD

9. mei crush ka ba sa skul nio?
SYEMPRE! +pigilan mo sarili mo louanne..baka mabuking mo ang iyong sarili..XD+

10. Sino pnaka-gwapo sa section nio?
Si herson..haha..:) don’t you agree?!?

11. close mo Lahat ng classmate mo?
hindi naman lahat pero nakakausap ko naman sila kahit wala lang.

12. may kinaasaran ka ba sa section mo?
minsan pero mabilis naman mawala ang inis ko eh..:)

13. Sino pinakamakulit sa inyo?
Si Tin2x Mitumug..XD kaya nga katulad ko walang dull moments kapag kasama niyo siya..

14. Sino pinka-astig sa buong kLase nio?
Si Pau kasi ang talino niya at astig pa ang choice of music niya..hehe.Kami lang ang nakakarelate minsan sa mga gusto naming banda eh. saka di ko aakalain na may other side pala etong taong ito..kala mo tahimik iyan..NAKO.nagkakamali kayo sa iniisip niyo..:) kaya siya ang pinakaastig para sa akin.

15. Sino naman ang pinka-kikay sa kLase nio?
Kikay..uhm..si Gempearle, Jen at si Mylene pero in fairness di naman nakakaasar yung pagiging kikay nila..

16. Sino naman ang pinaka papansin saroom nio?
ahh..marami eh..XD

17. Sino pinka-mataray naman sa room nio?
Mataray..dati si Mylene (as in natatakot ako sa kanya DATI) pero ngayon wala na naman eh..nasanay na ako sa katarayan ng mga kaklase ko.

18. Sino madalas na kasama mo?
Si Elmo(di ka na ba nagsasawa sa akin?XD), Tin,Tere at si Ira

19. Sino madalas magpa-iyak sayo sa room?
Wala pa naman..di naman nila ako pinapaiyak may mga pangyayari  sa section namin na nakakaiyak..hala.parang section 3D ng Gokusen.

20. fave teacher?
ngayon semester..meron pero secret lang iyon..XD

21. Pinaka-ayaw mo sa kLase nio?
wala naman…

22. pinaka-ppLastikan mo sa klase nio?
ahh..what you see is what you get..:)

23. hate subject mo?
Psychology…ewan ko ba pero ayaw ko yon..tapos nakacontribute pa yung titser..XD.

24. palagi ka bang late?
AKO pah?!? uyy..in fairness naman sa akin..minsan na lang di tulad ng 1st sem..palagi akong late sa values ed.

25. Worst tHing na nanyari sa skul mo?
Ahh..yung nasangot kami sa isyu ng — basta gusto ko nang kalimutan iyon..

26. Mention mo Lahat ng gs2 mo mging close tLga na ndi mo clse dti?
next question..

27. Kaya mo ba kumalaban ng teacher?
ako..oo..basta may mali siyang ginawa pero syempre pagiisipan ko mabuti kung kakalabanin ko siya..

28. napapa-guidance ka na ba?
Di poh..naalala ko yung 4th year ako..ako nagbibigay ng payo..XD

29.Ano ang dinadala mo sa school na alam mong bawal?
mabaet ako estudante eh..wala pa naman so far..

30.Ano ang madalas na makikita sa bag mong gamit skuL?
Notebook..at baon..

hehe..nawa’y naenjoy niyo ang pagbasa sa aking entry..

Sa uulitin.

ngayong linggo marami na rin nagtatanong sa akin kung sino si wiki..

kaya naisipan kong gumawa ng blog entry tungkol sa kanya.

Inilalahad ko lang ito para tantanan na ako nung mga nagtatanong.

Una sa lahat: Di ko kaAGE si wiki so di ko siya classmate okay..(saka 26 na lang kami na 1-20 noh..at 2 na lang yung lalaki sa amin.ahh..herson?!?..XD pero wala sa kanila)

Pangalawa: Di naging maganda ang una kong impression kay wiki dahil sa ginawa niya yung unang pagkikita namin..actually unang bagay na pumasok sa utak ko ay.."bading ba siya?"..saka di ito love at 1st sight..baka love at 3rd sight lang..whehe.

Pangatlo: Baket di ko na siya crush..simple lang..kasi di ko matanggap na ganon pala siya kapag nalaman niya na nagkakacrush ka sa kanya..naisip ko tuloy baka may nakapagpatrauma sa kanya.saka don sa nakakakilala sa akin.DI ko na kinakailangan sabihin na crush ko siya..kasi halata naman..

Pangapat:Natatakot na ako sa kanya..yung nakita ko siya ulet..no sparks na..di tulad yung 3rd day..Siguro nga naging crush ko siya..pero for 2 days only.

Panglima: Ayaw ko nang mangyari ang napakamemorable experience ko yung 3rd year pa ako..although naging positive yung outcome non..

at higit sa lahat…

mukha naman siyang matino eh..kaya lang..ayaw ko siyang magsalita..nakakaturnoff..XDpati yung pagsqusquat niya..parang ipit yung boses may isa pang factor kung bakit eh..pero sa akin na lang iyon.

Sa dinamirami ng pinagsusulat ko dito..di ko naman sinagot yung tanong..napansin niyo ba?!?XD

Nagiingat lang ako noh..baka mamaya may friendster pala siya.

Para don sa mga nakakaalam kung sino ito..wala lang.mapalad kayo.XD

Actually makikita ko nanaman siya next week at don ko na madedetermine kung wala na..

***

Habang nakasakay sa jeep papuntang Philcoa..medyo tulala at nangangarap mode pa ay bigla kong nakita ang pinakamamahal kong si OLI.

Yung una kala ko baka namamalikmata ako pero nakita ko nanaman ang kanyang nameplate..CONFIRMED.siya nga.

eto pa medyo maluwag naman yung jeep pero katapat ko siya.

Di ko maiwasan tumingin sa kanya..wala lang..tinetest ko kung nakikilala pa ba niya ako..

pero mukhang hindi na..dahil ba sa nakauniform ako? Tinanong pa niya sa akin kung anong oras na..parang gusto ko siyang pagtripan sana pero sinabi ko na lang yung totoo.."8:12 po."(o diba? may po pa..XD)

yung sinabi ko iyon bigla niyang itinanong kung nagkita na ba kami kasi familiar ang mukha ko.

gusto kong sabihin sa kanya..

"oo,kilala mo na ako…ako yung isa sa mga nabiktima mo don sa Shakeys..gusto mo isa isahin ko pa????"

pero kabaliktaran ang lumabas sa aking labi.

"ahh..di pa po..baka may kamukha lang akong kakilala mo.."

sabi niya.."oo nga kamukha mo yung kaibigan ko.."

alam niyo yung smile na napilitan lang..GANON ang ginawa ko.

hay..bakit kaya kami pinagtagpo?!? eto ba ay dahil sa kinokonsyensya na ako ni Lord sa pinagagawa ko..

oh well..

sana di ko na siya ulet makita.

***

Medyo kalat ito sa cellphone yung mga quotes na kala mo sa pagibig pero ibang bagay pala..eto kasi ang kaligayahan namin ni elmo ngayon..nakatanggap ako ng listahan sa email ko(salamats kay ate bernie..:) ) at gusto kong maishare sa inyo ang aming kaligayahan..

FAMOUS LINES

"Pinapaikot mo lang ako
Nagsasawa na ako. Mabuti pang
patayin mo na lang ako"
-
electric fan

"hindi lahat ng walang salawal

ay bastos"
-
winnie d’ pooh

"Alam mo ba wala akong ibang hinangad
kundi ang mapalapit sa ‘yo.
pero patuloy ang pag-iwas mo"
-
ipis

"Hala! sige magpakasasa ka!
Alam ko namang katawan ko lang ang habol mo."
-
hipon

"Hindi lahat ng green ay masustansya."
-
plema

"Ayoko na! pag nagmamahal ako lagi na lang
maraming tao ang nagagalit! wala ba akong
karapatang magmahal?!?"
-
gasolina

"Hindi ko hinahangad na ipagmalaki mo na ako’y sa yo
Ayoko ko lang naman na sa harap ng maraming tao
ganun mo na lang ako itanggi.."
-
utot

"Sawang sawa na ako palagi nalang akong
pinagpapasa- pasahan, pagod na pagod na ako."
-
Bola

"You never know what you have till you lose it.
and once you lose it, you can never get it back"
-
snatcher

"Hindi lahat ng pink, KIKAY!"
-
majinboo

"Ginawa ko naman lahat para sumaya ka
mahirap ba talagang makontento sa isa?
bakit palipat-lipat ka?

-TV


"Hindi lahat ng maasim may vitamin c"
-
kili kili

Sige, batihin mo ako…. Sigeee…..BATEEEEE E!!!!!!!!
-
omelette

Pilitin mo man na alisin ako sa buhay mo, babalik at babalik ako!
-
libag


Paano tayo makakabuo kung hindi ako papatong sa iyo?
-
Lego

"Hindi lahat ng dugo puedeng idonate"


-
regla

"wag mo na akong bilugin.."
-
kulangot

Sa uulitin.

kahapon…

ang unang sala namin sa 1:00-7:00 na schedule.

Kakaiba ang mga titser namin lalu na yung don sa 1st subj. saka 4th subj.

Benta rin yung don sa humanities..yung tinatanong kung anong ideal guy/girl mo..hehe.naiyak ako sa kakatawa..

at least masaya ako at kinaya namin ang aming schedule.

***

Kahapon nasa indenial stage pa ako..baket?!? kasi pakiramdam ko madaragdagan ang mahabang listahan ng aking minamahal..pero dahil na rin sa payo ni oniisan wala na. Nagbago na ang isip ko..so oniisan salamat sa iyong payo.Kung natuloy iyon..siya ang kaunaunahang crush ko na mas matangkad sa akin…XD

***

At para naman kay oneesan..wala lang..ingat ka lang palagi..naalala kita kasi namention ko na rin naman si oniisan eh.

***

O ayan wala akong masabi dito kaya paguusapan ko na lang si OLI..

Siya kasi ang taong nagpabago sa aming masayang mood…

BAKET?!?

Una: Ang tagal tagal ng order namin.

di naman sa di kami makapaghintay/atat na atat na kami kumain pero more than 20 mins. inabot yung order namin..ang dami na nga naming nagawa habang naghihintay eh..buti na lang makukulit ang kasama ko non.+hala+. naalala ko nanaman yung digicam na yon..XD.

Pangalawa: Mali ang binigay sa amin..

Ang ibinagay sa amin ay yung di namin inorder tapos pinakiusapan niya kami na kunin na lang iyon dahil ayaw na naming maging isyu iyon kinuha na lang namin.

Pangatlo: Ang buhok sa kanin..

Kasi ang order ko non ay rice..syempre kulay puti yung rice kaya mabilis kong napansin yung black na bagay don sa rice ni oneesan AYON..it turns out na buhok pala iyon..EWWW..X( Natakot na ako kay oniisan kasi feeling ko..susugod na siya don sa counter..pero dahil sa hug ni oneesan..ayon nakapagtimpi kahit papano pero syempre binalik namin yung kanin.

Pangapat: Walang spoon and fork

Wala lang isinama ko na rin ito kasi di man lang nagkusang kumuha ng spoon and fork si oli..alam naman niya na 2 yung rice na nakalagay dun sa table namin(anong akala niya AKO lang ang kakain non)..saka medyo naiirita na kami non kaya maliit na bagay lang nakakaHB na sa amin.Ginawa ko na lang inilabas ko yung spoon and fork ko(kasi nga nagbabaon ako sa PNU) tapos ibinigay ko na lang kay oneesan yung spoon and fork ko.

Panglima: ANG RESIBO–CLIMAX of the STORY

Pagtingin namin don sa resibo nagulat kami kasi ang nakalagay don ay yung original order namin eh mas mura yung ibinigay sa amin ni oli..ang laki ng difference. SO ANO iyon…nagkakagulo na sila don sa resibo namin…buti na lang at may extra menu don sa kabilang table kaya namin nalaman iyon..sabi nga ni oniisan di na pera yung isyu– ang isyu don ay yung mga napakagulong nilang TAUHAN.Kinausap kami ng isa pang waiter(naisip ko lang bakit kaya di na si oli yung lumapit sa amin non..siguro nasesense na niya na ang dami niyang nagawa na kasalanan sa amin..XD) na since 2 piece chicken ang ibinigay ni oli at yung original order namin ay 3 piece itakehome na lang yung isa.Eh kundi ayon pumayag na lang kami..pero pramis ang laking hassle ng ginawa nila. Eto pa yung original order namin dapat may mojos (MOJOJOJO XD) iyon..aba..walang binigay sa amin..at yung 1 piece ng manok na inabot ng ilang oras ay nakalagay sa ibang lalagyan.ANO BA YON..di na nga namin tinanong kung bakit walang mojos kasi nagmamadali na rin naman kami.

PRAMIS..ang laking hassle yung ginawa ni Oli pati na rin yung iba pang crew ng Shakeys..wala silang ORDER saka bakit kami yung nagaadjust..dapat nga sila kasi di naman namin kasalanan yung pagkakamali ni Oli. Kung di lang ako pinapauwi ng maaga that time gusto kong kausapin yung manager.

KASI panira talaga ng mood.

Memorable pa naman sa akin yung araw na iyon pero ayon ganon talaga..di naman pwede na palagi maganda yung nangyayari..

Nasa akin pa rin yung C2 na purple..:) souvenier ko.as in nasa bag ko palagi.

Nawa’y natuto na sila sa experince na iyon lalu na si OLI.

Sa uulitin

Eto ang aking listahan na ala "a walk to remember" para sa akin..XD

1. Ang 2.5 kilometers na lakad namin ni Ate Yo galing simbahan hangang sa bahay namin. Wala lang kasi naman sayang rin yung 23 pesos na tricycle papunta sa bahay.Saka gusto lang namin magkwentuhan at the same time makapagisip ng kung anu-ano. Gabi na non so medyo creepy kasi walang ilaw sa kalsada at wala rin si sister moon upang kami’y gabayan. Nagkaroon lang kami ng problema don sa mga unang hill kasi ang daming aso..nakakatakot dumaan kaya wala kaming choice kundi dumaan doon sa sementeryo. Natakot ata sa amin yung mga dumadaan na tricycle kasi ang dilim(Naweweirdohan na siguro sa amin iyon)..okay lang kasi kumakanta naman kami ng "What’s going on/Kirikaete/What’s going on/Norikoete/I’m moving on/Itsumo Sonshiten Ja nai.." panakot namin sa mumu na gustong magparamdam sa amin..XD

2. Ang hiking at caving ng four1 sa Mt.Banahaw (fieldtrip ng lakbay kalikasan).Hala.naalala ko nanaman si Kuya Dan..XD Actually ito ang isa sa namimiss ko sa St.Paul. Naalala ko pa yung paakyat kami ng Kalbaryo tapos may isa kaming kaklase na nagtanong kung bakit may kulay black sa paligid nung bundok tapos sabi ni Ate Flou (isa sa mga facilitator namin) kasi tinatamaan ng kidlat yung bundok..Tapos biglang umulan. Yung una masaya pa kasi masarap yung pakiramdam pero yung tumagal na..masakit na yung mga patak..at sa di inaasahang pangyayari ay biglang kumulog..kaya ayon..Pabilisan bumaba. Naalala ko tuloy ang adventure namin ni eli yung pababa..XD.

3.Ang peace rally nung ako’y isang hamak na 1st year pa lang sa St.Paul. From St.Paul nilakad namin hangang edsa shrine at pabalik.Naalala ko tuloy si Ana Marie: ang aking partner sa mga rally…XD.Di ko pa rin nakakalimutan yung tinuro mo ako dun sa GMA reporter at nainterview ako tungkol sa Edsa..nakakawindang na experience iyon..XD.

4.Ang lakad namin ni Riza papuntang Timog from Quezon Avenue nilakad namin iyon tapos nasa kabilang dulo pala yung pupuntahan namin. Naalala ko pa yung pasimple pa nating pagtingin dun sa venue at ang paghahanap natin ng pedestrian lane para di tayo majaywalking…saka yung gasoline incident..benta iyon.

5.Ang paglalakad ko from St.Paul hangang doon sa papuntang C5 (malapit sa Casa Verde at Valle Verde 1) ito kasi ang aking reflection time. Besides sa pampapayat nakakatipid pa ako sa pamasahe at nakikilala ko pa ang aking sarili…medyo seryoso ako kapag magisa lang ako naglalakad.

6.Ang lakad namin ni Kuya Jody from Sta. Rosa De Lima parish hangang sa bahay ko..may stopover pa iyon kasi biglang umulan ng malakas..ang speaking of kuya Jody syempre di ko malilimutan ang mga Ate’s at Kuya’s ko na minahal ako bilang ako..:) namimiss ko na kayo..

7.Ang paglalakad namin ni Stef Macam at ni Riza nung September 16. Kakatapos lang namin kumain sa Mang Jimmys tapos nilakad namin papuntang UP.STRAIGHT line kung STRAIGHT line..in fairness mahirap makipagusap yung oras na iyon kasi kinakailangan mo pang lumingon sa likod..saka yung tour namin ni Riza sa Ateneo.Maraming "interesting" places pala sa Ateneo..XD

8.Yung 2nd time ko pa lang pumunta sa Quiapo kasama ang aking mader eh etong pesteng jeepney driver binaba kami sa di dapat pagbabaan ng tao. Si mader ay bumaba na sa jeep tapos yung pababa na ako biglang umandar yung jeep at binaba niya ako lampas ng overpass. Ang masaklap don ay na kay mader ang aking wallet at cellphone so 30 minutes kaming naghahanapan sa Quiapo..buti na lang at nagita kami.- happy ending pala  :)

9.Ang aking LAKAD don sa Espana particularly don sa Shakey’s Espana dahil doon ko nakilala ang pinakanakakaHIGHBLOOD(todo to the nth power na ito!!!) na waitress. Itago na lang natin siya sa pangalan na OLI.+evil laugh+ (buti nga wala siyang last name don sa nameplate niya eh..)pero sa next blog entry ko na lang ilalagay ang full details tungkol dito kasi gusto ko puro good memories muna.Next time na lang yung PESTENG..(Louanne..Self control..).Oo na titigilan ko muna siya and in fairness naman naging masaya naman ako nung araw na iyon eh.Basta COMING SOON na ang next blog entry ko..pramis.

10.Ang paglalakad namin ni Elmo.

Medyo napapadalas na ang paglakad namin ni Elmo along Taft tuwing uwian (so far..ang pinakamahaba naming nilakad ay hangang Pedro Gil.) dahil full time na ang aking sister titser sa UP Manila pinuntahan ko na lang siya sa Padre Faura (di pala Padre Burgos iyon..hehe) tapos sabay kaming umuuwi…anyway back to the topic.

Kasi kapag si Elmo ang kasama kong maglakad marami kaming adventures..pero wala pa rin tatalo sa "Tell-me-where-it-hurts-and-i’ll-do-my-best-to-make-it-better" Day.Saka kapag kasama ko siya its either sobrang seryoso kami o sobrang nakaHYPOTONIC mode kami(kasama na dito ang nakakahiyang pagtawid namin sa bawat kalye) lalu na kapag sa Pasig ako umuuwi..LRT-MRT-jeepney adventures na sobrang nakakatuwang balikbalikan.

Saka kahapon yung galing kami ni elmo sa San Mar tapos nandoon sa registrar’s office si 20strikerred.Nako..isang malaking BENTA iyon lalu na yung "napatalikod moves" ni elmo..XD   

Elmo.wala lang..basta proud ME sa YOU! Congrats sa matataas na mga grado..you deserved it!:) Di kita mareach..(ahh..di literal ito ha!..+evil laugh+)..pero pramis.proud ako sa iyo.:) sana lang di mangyari yung napaginipan ko..

Ayan.Naenjoy ko ang aking listahan at sana’y naenjoy niyo rin ang pagbabasa ng blog entry na ito..(teka.may nagbabasa nga ba..XD)

Sa uulitin.

« Newer Posts - Older Posts »