Short random thoughts..;)
August 9, 2007 by luanikatherovician
ang tagal ko nang hindi nagboblog entry…
siguro narealize ko kasi na may mga bagay na hindi na kinakailangan na isulat/ipaalam sa maraming tao. Dati kasi kapag may "naexperience" ako isusulat ko na agad dito pero ngayon ang dami ko ng naexperience pero di ko alam kung paano ko sasasbihin.
***
Ngayon alam ko na kung bakit ang mahal magpaedit ng video. Dati kasi hindi ko mawari kung bakit mahal magpaedit kasi…pero sana naman… worth it yung effort na inilaan ko para sa aming proyekto.;)
Salamats nga rin pala sa pamilya ko na full force ang tulong sa akin. ^_______^
***
Extended ang klase ko hangang next week. So hindi pa tapos ang kalbaryo ko pero mas maganda na rin iyon at least hindi masyadong ngarag…kaya ko ito FIGHTO-OH!
***
Yung mga nakaraang araw..kinakabahan/natatakot ako..dahil may pangyayari na napagpawindang sa akin. Ang hirap kasing hindi pansinin kasi "napakasupportive" ng mga kaklase ko -_-’
ang hirap lang kasi minsan magfocus tuwing klase.
Sabi nga ni elmo: Huwag mong pansinin kasi.
Kung alam niyo lang ang sitwasyon ko.
FOCUS LOUANNE. FOCUS!
***
Nandito si Ate Cha sa Pilipinas!!Sobrang ang tagal na naming hindi nagkikira dahil nakatira na siya sa Japan..pero ngayon nandito na siya..super excited akong makita siya.hmm.di kaya siya mawindang sa hitsura ko.whehe..
Sino si Ate Cha?
SIya yung isa sa mga totoong gradeschool friends ko. Dati kasi sobrang hindi ako marunong makisalimuha sa society (huwwat?!?). Di tulad ngayon masasabi kong marami na akong kaibigan
***
Alam kong August pa lang pero super excited na akong mag September
whehe..
***
I miss my 1-20 friends..si Tere lang yung pinakamadalas namin makira ni elmo.
TERE.TIN at IRA…magparamdam kayo minsan & I REALLY REALLY MISS our bonding sessions
pati na rin ang section 1-20 miss ko na kayo
pero masaya pa rin ako kasi kapag nagkita along the premises of PNU nagbabatian pa rin tayo.
***
MAHAL ko ang section II-15.
kahit minsan inaasar niyo ako
***
May convention nanaman sa MOA this coming Saturday..Excired na akong mameet yung bestfriend ni elmo
***
Riza: Naiintindihan ko kung hindi ka makakapunta. Please tell your mom na sana okay na siya! (pakihug na rin siya for me)
***
Oniisan at Oneesan.Namimiss ko na kayo.
***
Sa animalia friends ko: Sorry kung hindi ako nakasama sa lakad yung wednesday. Busibusihan ako sa mga schoolstuff kasi
Cla: I’m happy na akachat kita kahit saglit..
Onga pala: may bago na akong no: hingin niyo na lang kay Eli/Tario/Cla
I miss you guys!!!
***
Magkakaroon ng reunion ang FOUR1..hmm..sana lang hindi ako busy that time para makapunta ako.
***
May quiz no. 5 mamaya sa Prof. Ed 2…goodluck na lang sa akin pati na rin sa iba kong kaklase.:)
Sa uulitin