Untitled…
February 17, 2007 by luanikatherovician
i’m back..
ang tagal ko nang di nakakapagblog entry kasi medyo busy na ako sa mga school stuff sa PNU (kunwari lang naman..XD)
Masyadong maraming nangyari ngayong linggo pero ang ikukuwento ko lang ngayon ay yung nangyari nung Sabado (kahapon)
Una pumunta ako sa UP Diliman para manood ng play sa Palma Hall. Infairness sulit yung 200 pesos na binayad ko kasi maganda yung play. Pagpunta ko don kasama ko ang aking kapatid na si Ate Bernie as usual unang impression sa kanya: parang siya yung bunso..oo na tanggap ko na iyon (nagdrama?!?..) pero proud ako sa kanya kasi ilang buwan na lang at gagraduate na siya
kaya ate..konting pasensya na lang sa paggawa mo ng thesis ah?!?
ang speaking of thesis..
Di lang si ate bernie ang busy dahil sa thesis..pati na rin si Ate Yo…kulang na lang ako..actually nareresearch din naman ako eh XD
teka.balik muna ako sa istorya ko..back to the play.
Benta iyon kasi…
nadoon sila kuya humanities Filipino at kuya humanities SocSci…SOBRANG kamukha nila (kayo ah..kaya pala di kayo sumama sa amin ay dahil nagpeperform kayo?!?XD) kaya ayon kapag lalabas sila sa stage tawa kami ng tawa.
tapos may isa pang clone..
at iyon ay clone ni Sarah as in Sarah ni Elmo..XD
grabe.kulang na lang mamaga ang aking braso sa kakakurot ni Elmo(sobrang injured nako noh!) at nakapagpaautograph pa siya kay Sarah the second (Salamat kay Tere..:) ) with matching picture hehe.
Nagustuhan ko yung play kasi related siya sa History kaya may natutunan talaga kami ni elmo..:) saka di siya boring.ENJOY nga eh..
tapos dapat pupunta ako sa Timog para sa gig ni oniisan KAYA lang..
may curfew ako.
Kung iisipin pwede naman ako maging pasaway kaya lang naging pasaway na nga ako nung Biyernes …ayaw ko naman na magalit si mader dear.
Hay..nalungkot talaga ako.
Pasensya na sa mga ate ko kasi apektado sila kapag malungkot/naiinis ako.
DI kasi ako namamansin kung malungkot/naiinis ako(eh sanay pa naman sila na maingay ako)..pero nakita ko naman yung effort nilang paligayahin ako.kaya SALAMATS!
kaya Riza…wala ako makukuwento sa iyo kasi di ako nakapunta.
PASENSYA ka na
Sa uulitin.
at hopefully sa susunod kong blog..marami na akong maikukwento..:)