louanne bilang wonderdog
February 5, 2007 by luanikatherovician
di ko maitago ang aking kaligayahan ng makita ko ang testimonial na ginawa ng kaibigan ko na si Katrina.
Wonderdog.. di ko aakain na may tatawag pa sa akin ng ganon XD
hay…bumabalik nanaman sa akin tuloy yung Sta.Rosa moments ko.
masaya ako kasi naalala pa rin niya ako kahit ilang buwan na kami di nagkikita.
Naalala ko yung mga masasayang oras na magkakasama kaming 5 (ako,kat,my,yeyet at si riza). Nabuo ang aming samahan dahil sa kami lang yung magkakalapit ng edad.
and in fairness kasundo naman namin lahat ng age groups don sa PYM XD
Naalala ko yung istambay moments ko sa bahay nila Kat at My.
Naalala ko tuloy yung mga former crushes namin..nako…Onga kamusta na kaya sila noh? wala na akong naririnig na balita galing sa kanila eh..(Magparinig ba?!?)
Naalala ko pa yung sulat na ibinigay sa akin ni Kat (green paper pa iyon) naitago ko pa kasi iyon sa San Mateo. Habang binabasa ko iyon.Tawa ako ng tawa.
Kasi naman tungkol sa pagibig iyon noh..
hay..ganon pala kung perslab noh?!? XD at in fairness lahat kami ay dumaan sa stage na iyon..(Right riza?!?)
Si Riza kasi yung original.HALA…pero in fairness hindi kuya yung naging crush niya..XD oo na tatahimik na ako.Feeling ko mababatukan ako ni Riza kapag nakita kami ulet..
Yung miniconcert yung isa sa mga pinakamemorable na event sa buhay ko.Kasi iyon yung 1st time kong tumugtog sa harap ng madaming tao. Naalala ko yung pupunta sila sa bahay ko upang makapagpractice tapos nagpapanic na kami kasi pakiramdam namin di pa maayos yung performance namin.
Sana maulit muli iyon noh..
sobrang namimiss ko na kasi iyon eh.
Kung pwede ko lang maiduplicate yung sarili ko.
Kat: Salamat talaga
+++
Siguro nagtataka kayo kung baket ako tinawag na wonderdog..hehe.sa totoo lang di ko na din maalala kung baket kaya kung sino man sa PYM na nakakaalala kung baket ako tinawag na wonderdog ipagbigay alam lang sa akin.
Kung may wonderdog..ay wonderpig din..XD
Ate Tina…namimiss na din kita
Sa uulitin