random stuff…
January 13, 2007 by luanikatherovician
ang aking pinakaunang blog entry para sa taong 2007
* debut ni mirene..
naisip namin ni elmo na sabay na lang kami pumunta sa debut ni mirene (hala elmo..6 na beses na tayo nagkikita..kulang na lang linggo)plano namin na magkikita sa mister donut (farmer’s plaza). Nakakatawa kasi nagalala ako baka di kami nagmeet kaya naisip ko na tumambay na lang sa mrt mismo…ayon muntik na kami di magkita (MUNTIK lang naman eh..) Dumaan kami sa gateway tapos may tinuro akong sapatos na kulay green (ang cute kasi) tapos sumakay kami ni elmo sa lrt 2 tapos bumaba kami sa gilmore station tapos nagjeep kami papuntang..
NESTLE CREMERY!!!! (tama ba?!? Sensya na kung mali..)
pagdating namin don ay sinalubong kami ni mirene. Nakakatawa nga kasi di kami dumaan don sa mismong entrance..(dapat talaga nagover the bakod na lang tayo elmo don sa may halamanan eh!!XD) una naming nakita si Kimi at si Corina.Nagulat ako nung makita ko si Andrea (na mahilig pa rin kumuha ng stolen shots..hmmmp..kulet pa rin..) saka sila Jlou (namimiss na kita..pramis..:) ),Chris V atbp. at syempre si Riza (mabuti naman at nakarating ka..:))
Pansin niyo ba naging mistulang PAULINIAN reunion iyon..:)
Ang sarap ng food at syempre yung ice cream!!!(Nako.bale wala na rin pala yung practice field demo ko sa PE)
Tapos yung isa sa mga bagay na ikinatuwa ko don ay yung malaking inflatable na castle..ayon di namin napigilan ang aming sarili na itry iyon..(aba..minsan lang naman iyon eh..) kahit nga nakaupo ka lang don ay tatalbog ka pa rin..(naalala ko tuloy si Kimi..:) ) tapos proud ako kasi nakaakyat ako don sa rope ladder (hirap pala non) tapos nakakatuwa din yung mga sumasayaw na ates at kuyas ..in fairness ang lalambot ng katawan nila…XD at nagballroom dancing pa kami…(chacha at swing..hala..reminiscing 3rd year days..:) )
ayon nakakatuwa din yung washroom nila..lahat automatic…:) (sorry na naaamaze lang kasi ako sa mga ganon..)
at yung main highlight ay yung videoke sessions…wehehe.
"I’m never gonna dance again….(with matching "dancing" pa!!)"
ilang beses ba kinanta iyon?!? XD
at ang last song namin…
HARK DAUGHTERS OF THE GREAT ST.PAUL!!! XD dabest si riza don..:)
ayon kaya sobrang saya nung araw na iyon..:) di naman obvious noh?!?
* quantum sa SM Manila
yung 1st week ng january medyo nagkaroon ng bonding time ang 1-20 sa quantum at ang aming bonding session ay ang..
VIDEOKE…
aba.Joanne V. SALUDO ako..100 ang score with her version of I TURN TO YOU..galing din yung backup singers mo XD
pero ang pinakabenta talaga si ay Tin..
"Di ka ba napapagod?" (kami pagod na pagod na..XD) uyy..JOKE lang iyon ha.PEACE tayo..:)
saka si Tere..NSYNC fan ka pala ha!! XD
di kami kumanta ni elmo dahil naglaro kami nung kotse (isa lang ang masasabi ko don..di pa ako pwdeng magdrive..XD) tapos nagTekken kami (abbiesan namimiss na kita..:( ) tapos team work kami don sa drums saka yung sword at syempre di namin pwede mamiss yung time crisis…XD
Next time elmo..pramis itatry ko na yung kamay version nung dance revo..(sensya na di ko alam yung tawag don eh..)
* Psychology sessions..
Eversince natackle ni Elmo at ni Pau yung topic nila..di ko maiwasan isipin yung 30+ na defense mechanisms ng tao..saka naging interesado ako don sa libro ng ate ko tungkol sa personality..wala lang..bigla ko lang naisip yung Psychology ngayon kaya natype ko dito sa blog ko..
* Bonding sessions sa UP CAMP
Dahil gawa nanaman yung kotse namin..hinihintay nanaman ako ng aking ate sa UP Manila…
kaya nga napapadalas na yung bonding session ko sa kanila..
lalu na kay Sir este Kuya Gilbert at Kuya Ej..
nakakatawa nga kasi kilala na ako nung guard don eh..sinasabi na lang nila na "Nasa taas na yung ate mo"..o diba?!? wala pa akong sinasabi eh)
Masaya akong nakakasama ko sila kasi masaya silang kasama at kausap..
naalala ko yung sobrang busy sila..nako…sabi ko nga kay Ate Yo.."I FEEL LONELY.."
di kasi ako sanay na sobrang seryoso sila..
PROUD na PROUD nga ako sa ate ko..
kasi magaling siyang guro
at nararamdaman ko na mahal na mahal siya ng kanyang mga estudante at cofaculty..
saka parehas kasi kami ng pananaw sa ugali ng isang titser..
Kay Kuya Ej naman..
Unang kita ko pa lang sa kanya..ang taas ng tingin ko sa kanya yung tipong kagalang galang at magaling na guro..di naman sa natakot ako sa kanya..actually di na nga yon 1st impression kasi magaling naman siya..di ko pa rin nakakalimutan yung nasa KFC kami..benta kasi iyon eh..
Actually kung may oras ako..gusto ko silang makitang magturo..tapos pagtatawanan ko sila..WHEHE.JOKE lang..
Hangang ngayon di ko pa rin maimagine si Kuya Gilbert na magalit..kasi di bagay sa kanya na magalit eh…
di na nga kumpleto ang araw ko kapag di ako nakakadaan sa CAMP eh..
Sa uulitin..
aya ha nagcomment ako XD haha~ oo nga, isang napakalaking paulinian reunion yun eh XD ANG INFLATABLE CATSLE~ Louanne! mag ipon tayo para bumili non~ wah grabe, ang pangit ng boses ko nung paulinian hymn. buti di nag crack yung screen ng karaoke machine~ next time labas tayo at mag time zone rin tayo~
riza: alam mo na bang nabutas yung medyas ko don sa inflatable castle..pwede nga iyon pangexcercise eh..XD kahit nakaupo ka lang, gumagalaw pa rin yung katawan mo..Asteg nga kasi 1st time ko lang umattend ng debut na lahat ay Paulinian..:)
hay riza…mamimiss ko rin yung ice cream nila…pati na rin yung carbonara…at yung mga dancers..whehe..
Gusto ko na rin magkaroon ng karaoke sa bahay (yung katulad ng nandoon sa cremery ah..saka time zone?!? sure why not..ako pa..lalu na yung time crisis 4..saka may bago akong gusto na game yung may malaking drums..:)
hay..sana marami tayong oras..para palagi tayong masaya..