starry starry day aka..O HAPPY DAY!
December 10, 2006 by luanikatherovician
1st STAR: ang shirt ni elmo
Nagkita kami ni elmo sa LRT Vito Cruz station at laking gulat ko nang makita ko ang suot niyang shirt na may bituin. Di lamang iyon kulay purple pa (that’s so ME!) sayang at di kasya sa akin ang shirt na iyon kasi kung nagkataon..+evil laugh+..alam mo na..XD pagkatapos ng pag"ahhhh" ko sa kanyang tshirt ay naglakad na kami papunta sa sakayan ng jeep na kulay kahel. Ang malas nga lang namin dahil SSSOOBBRRAANNGG mahangin…
Pagdating namin don ay nakita na namin ang iba pang tiga 1-20 nakaupo sa tabi ng parking lot ng Aliw Theater. 1st time ko lang mapadpad don. Nakilala rin namin ang kapatid ni Tin2x (di mo maidedeny na magkapatid kayo..the looks pa lang pare ..XD). Ang daming tao at karamihan ay mga estudante rin. Nagutom kami ni elmo kaya kumain muna kami sa tabi ng aliw theater nako..badtrip iyon..sayang at wala silang nameplate..yung una badtrip si elmo kasi ang tagal niyang nakatayo sa pila tapos etong cashier inentertain pa yung babae na hindi nakapila. Pangalawa: ang tagal ng order namin…kinakailangan pa na ipakita mong naiinip ka na sa inorder mo..napataas ako ng kilay ng di oras…feeling namin kasi hindi na namin masisimulan yung palabas eh. Pangatlo: Nauna ang order ni elmo kaya pinauna ko na siyang kumain. tapos dumating na rin yung order ko(after how many years..) ngayon lang ako nakakita ng siomai na walang toyo. Naisip ko na baka naman may condiments section sila pero wala. kaya humingi na ako kay ate ng toyo aba etong si ate pumunta lang sa cointer mukhang nabrainwash ang utak kasi nakalimutan niya yung hinihingi ko so tinawag ko na lang si kuya..aba.ganon din.Ano ba ang meron sa counter na iyon at nabrebrainwash sila. Kaya di ko na hinintay yung toyo kasi nagmamadali na rin naman kami.Mas malala pa nga ito eh kaysa don sa Shakeys kasi toyo na nga lang yung hinihingi ko..X(
Pagbalik namin nako wala na sila tere…mukhang nakapasok na sila kaya pumila na kami ni elmo nagulat kami kasi nasa likod namin si Sai yung kaklase namin sa psychology. Mabaet siya..:) tapos nakita rin namin si bec at si jill kaya sabay sabay kaming pumasok. Malas nga lang namin at napahiwalay kami sa ibang 1-20 kasi wala na kaming upuan..X( pero okay lang kasi don na namin nakilala ang susunod na bituin na si……
2nd STAR: Si Edison
Habang nagpipicturan kami ni elmo ay biglang sumulpot si edison. Kinukuha niya ang digicam ni elmo kasi bawal sa loob ang digicam. Pagkatapos niyang umalis ay "kinilig" kami ni elmo at ni ira (grabe.buti talaga at nakapunta ka ira…:) ). Ayon pala isa lang ang iniisip namin nung mga panahong iyon: Ang gwapo niya noh..XD Salamats kay Maria Theresa dahil sa kanya namin nalaman ang kanyang pangalan..sayang at di tayo nakapagpapicture sa kanya.
3rd STAR: Si Liza Macuja
Siya ang major star sa pinanood namin na "The Nutcracker" sa Aliw Theater. Sharing lang: kala ko matangkad siya pero di pala at least magaan siya..XD irereserve ko na lang yung iba kong saloobin sa palabas na iyon sa reaction paper ko sa Humanities.May tanong na nabuo sa aking utak habang pinapanood siya: Kailan kaya ako mabubuhat ng ganon?..mali pala: Ilang tao ang kinakailangan upang mabuhat ako katulad ng ginawa kay Liza Macuja?
4th STAR: Starcity
Medyo di namin nasulit ni elmo yung ride all you can tickets dahil sa sumusunod..
una: ang daming tao at dahil katulad namin naconvert nila ang kanilang ticket sa Aliw Theater kaya ayon OVERPOPULATED ang Star City
pangalawa: Di talaga ako mahilig sa mga rides as in yung mga umiikot ikot katulad ng magic carpet..eh yung tinitignan ko pa lang yon parang nahihilo/nasusuka na ako.
PERO
PICTURE galore kami ni elmo sa mga pinuntahan namin..yung isa nga bawal pala magpicture don..eh malay ba namin na bawal don. Buti nga at di kami nagkasakit eh.Hala.Cge.Parang walang katapusan ang pagpipicture lalu na don sa Little Mermaid XD
5th STAR: Si Ate Yo
Ang laki ng utang na loob ko sa ate ko kasi dahil sa kanya makakapunta ako sa UP-AME pati na din don sa isa ko pang ate na si Ate Bernie dahil may racket siya sa UP Theater
kaya salamats talaga +hug+ at para kay elmo: ngayon alam mo na ang bonding namin ni ate yo kapag nasa kotse..ang kumanta na parang wala nang bukas..XD
6th STAR: Si Ate Jhem
Si ate jhem ang isa sa mga bituin ko dahil MASAYA ako kapag kasama ko siya
Kala ko di siya makakapunta kaya ang saya2x ko yung makita ko siya.
Alam niyo yon…ang saya niyang kasama at kausap.
Sa uulitin ate jhem…diba may next time pa?!?
at oo nga pala..
CONGRATS sa good news na narinig ko kay oneesan…:) Masaya ako at makakapagturo ka na ulet. PROUD na PROUD po ako sa iyo..:)
7th STAR: XEVEN THVRSDAY..
grabe..sobrang galeng ng performance niyo po..wala akong masabi..ASTEG!!!!
medyo nalungkot nga lang ako kasi di niyo naperform yung Pieces of Yesterday..:(
pero okay lang..ang galeng niyo pa rin!!!
Di nasayang ang pagpunta ko sa UP-AME
8th Star: Si Oniisan
DI talaga ako nakatulog..pramis…dahil iyon sa sobrang kaligayahan na naramdaman ko kahapon..
kulit niyong dalawa ni ate jhem (di niyo ako tinantanan kay…kilala niyo na iyon..)..natawa ako kasi may acting ka pa na nalalaman..XD
salamat kasi dahil sa iyo..nakilala ko ang Xeven Thvrsday at si Ate Jhem.
Ang 2 nagpapaligaya sa akin/amin
Arigato Gozaimas Oniisan..:)
O kailan na ang susunod niyong gig? XD
Iyon lang..
Sa uulitin
Oo nga eh, the pieces of yesterday is a definite favorite
pero may next time pa, di naman sila aalis eh. at tayoy aantabay kasi nga minions tayo 
sorry talaga, it wont happen again. im guilty as charged.
Oh yeah, for Kuya it’s “ONIISAN”
I forgot to say kanina sa YM XD Lol
buti nalang tinype na ni louanne ang halos lahatng nangyari.. salamat louanne.. para di na ako kailangan mag type ng marami ^__^ ang saya talaga…sana maulit ulit ^^
TSUGUG!!!
oo nga eh..ngayon ko lang nacorrect yung blog ko..oniisan pala iyon..nakakalito kasi eh..
riza: Sa uulitin at sana makasama na si stef macam..pati na rin ang ibang spcp friends..
elmo: syempre..dapat detailed noh..alam mo naman ako..walang pinapalampas na pangyayari..
SALAMAT talaga sa pic. alam mo na iyon..XD
duga di ko man lang naramdaman presensya mo sa starcity ..
Hehe pero tnx kz tumawag kah sakin b4 ung show nn nagkartoon tuLoi ako ng received caLL HeHe !.
pau: buti nga nagkita pa tayo sa starcity kahit ilang secundo lang iyon..XD
oo nga nagmiss call pa ako kasi kala ko nasa pnu ka nung mga oras na iyon..:)
At least nagenjoy ka!!!