10 walks to rememeber
November 13, 2006 by luanikatherovician
Eto ang aking listahan na ala "a walk to remember" para sa akin..XD
1. Ang 2.5 kilometers na lakad namin ni Ate Yo galing simbahan hangang sa bahay namin. Wala lang kasi naman sayang rin yung 23 pesos na tricycle papunta sa bahay.Saka gusto lang namin magkwentuhan at the same time makapagisip ng kung anu-ano. Gabi na non so medyo creepy kasi walang ilaw sa kalsada at wala rin si sister moon upang kami’y gabayan. Nagkaroon lang kami ng problema don sa mga unang hill kasi ang daming aso..nakakatakot dumaan kaya wala kaming choice kundi dumaan doon sa sementeryo. Natakot ata sa amin yung mga dumadaan na tricycle kasi ang dilim(Naweweirdohan na siguro sa amin iyon)..okay lang kasi kumakanta naman kami ng "What’s going on/Kirikaete/What’s going on/Norikoete/I’m moving on/Itsumo Sonshiten Ja nai.." panakot namin sa mumu na gustong magparamdam sa amin..XD
2. Ang hiking at caving ng four1 sa Mt.Banahaw (fieldtrip ng lakbay kalikasan).Hala.naalala ko nanaman si Kuya Dan..XD Actually ito ang isa sa namimiss ko sa St.Paul. Naalala ko pa yung paakyat kami ng Kalbaryo tapos may isa kaming kaklase na nagtanong kung bakit may kulay black sa paligid nung bundok tapos sabi ni Ate Flou (isa sa mga facilitator namin) kasi tinatamaan ng kidlat yung bundok..Tapos biglang umulan. Yung una masaya pa kasi masarap yung pakiramdam pero yung tumagal na..masakit na yung mga patak..at sa di inaasahang pangyayari ay biglang kumulog..kaya ayon..Pabilisan bumaba. Naalala ko tuloy ang adventure namin ni eli yung pababa..XD.
3.Ang peace rally nung ako’y isang hamak na 1st year pa lang sa St.Paul. From St.Paul nilakad namin hangang edsa shrine at pabalik.Naalala ko tuloy si Ana Marie: ang aking partner sa mga rally…XD.Di ko pa rin nakakalimutan yung tinuro mo ako dun sa GMA reporter at nainterview ako tungkol sa Edsa..nakakawindang na experience iyon..XD.
4.Ang lakad namin ni Riza papuntang Timog from Quezon Avenue nilakad namin iyon tapos nasa kabilang dulo pala yung pupuntahan namin. Naalala ko pa yung pasimple pa nating pagtingin dun sa venue at ang paghahanap natin ng pedestrian lane para di tayo majaywalking…saka yung gasoline incident..benta iyon.
5.Ang paglalakad ko from St.Paul hangang doon sa papuntang C5 (malapit sa Casa Verde at Valle Verde 1) ito kasi ang aking reflection time. Besides sa pampapayat nakakatipid pa ako sa pamasahe at nakikilala ko pa ang aking sarili…medyo seryoso ako kapag magisa lang ako naglalakad.
6.Ang lakad namin ni Kuya Jody from Sta. Rosa De Lima parish hangang sa bahay ko..may stopover pa iyon kasi biglang umulan ng malakas..ang speaking of kuya Jody syempre di ko malilimutan ang mga Ate’s at Kuya’s ko na minahal ako bilang ako..:) namimiss ko na kayo..
7.Ang paglalakad namin ni Stef Macam at ni Riza nung September 16. Kakatapos lang namin kumain sa Mang Jimmys tapos nilakad namin papuntang UP.STRAIGHT line kung STRAIGHT line..in fairness mahirap makipagusap yung oras na iyon kasi kinakailangan mo pang lumingon sa likod..saka yung tour namin ni Riza sa Ateneo.Maraming "interesting" places pala sa Ateneo..XD
8.Yung 2nd time ko pa lang pumunta sa Quiapo kasama ang aking mader eh etong pesteng jeepney driver binaba kami sa di dapat pagbabaan ng tao. Si mader ay bumaba na sa jeep tapos yung pababa na ako biglang umandar yung jeep at binaba niya ako lampas ng overpass. Ang masaklap don ay na kay mader ang aking wallet at cellphone so 30 minutes kaming naghahanapan sa Quiapo..buti na lang at nagita kami.- happy ending pala
9.Ang aking LAKAD don sa Espana particularly don sa Shakey’s Espana dahil doon ko nakilala ang pinakanakakaHIGHBLOOD(todo to the nth power na ito!!!) na waitress. Itago na lang natin siya sa pangalan na OLI.+evil laugh+ (buti nga wala siyang last name don sa nameplate niya eh..)pero sa next blog entry ko na lang ilalagay ang full details tungkol dito kasi gusto ko puro good memories muna.Next time na lang yung PESTENG..(Louanne..Self control..).Oo na titigilan ko muna siya and in fairness naman naging masaya naman ako nung araw na iyon eh.Basta COMING SOON na ang next blog entry ko..pramis.
10.Ang paglalakad namin ni Elmo.
Medyo napapadalas na ang paglakad namin ni Elmo along Taft tuwing uwian (so far..ang pinakamahaba naming nilakad ay hangang Pedro Gil.) dahil full time na ang aking sister titser sa UP Manila pinuntahan ko na lang siya sa Padre Faura (di pala Padre Burgos iyon..hehe) tapos sabay kaming umuuwi…anyway back to the topic.
Kasi kapag si Elmo ang kasama kong maglakad marami kaming adventures..pero wala pa rin tatalo sa "Tell-me-where-it-hurts-and-i’ll-do-my-best-to-make-it-better" Day.Saka kapag kasama ko siya its either sobrang seryoso kami o sobrang nakaHYPOTONIC mode kami(kasama na dito ang nakakahiyang pagtawid namin sa bawat kalye) lalu na kapag sa Pasig ako umuuwi..LRT-MRT-jeepney adventures na sobrang nakakatuwang balikbalikan.
Saka kahapon yung galing kami ni elmo sa San Mar tapos nandoon sa registrar’s office si 20strikerred.Nako..isang malaking BENTA iyon lalu na yung "napatalikod moves" ni elmo..XD
Elmo.wala lang..basta proud ME sa YOU! Congrats sa matataas na mga grado..you deserved it!:) Di kita mareach..(ahh..di literal ito ha!..+evil laugh+)..pero pramis.proud ako sa iyo.:) sana lang di mangyari yung napaginipan ko..
Ayan.Naenjoy ko ang aking listahan at sana’y naenjoy niyo rin ang pagbabasa ng blog entry na ito..(teka.may nagbabasa nga ba..XD)
Sa uulitin.
aherm ano ung mapatalikod moves na sinasabi mo hmm? salamats sa congrats. ikaw din congrats louanne we made it… teka may tatlong taon pa at isang semestre. Fight oh.. OH!
napatalikod moves..yung napatingin si 20strikered sa side natin tapos bigla kang napatalikod.Ano ba ito..useless rin ang pagcocomment natin sa isa’t isa kasi literal na magkatabi naman tayo ngayon na nagnenet eh..XD
ngayon at this very moment ikaw ay nasa likod ko at binabasa ang sinusulat ko ko. oy bat mo ako binatukan?! alis na tayo. magkano bayad? la na akong pera… connection?
XD haha ang sweet mo naman lulu! nyehe
ah nag burn din tayo ng claories sa paglalakad natin ah!
hmm lakad pa tayo! hehe try ko kayang bumisita dyan sa san mateo para mag lakad tayo.
walk on~ walk on!
Riza:o cge ba…oo nga..palagi na lang ako ang pumupunta sa inyo dapat ikaw naman ang pumunta sa napakahomey na bahay ko sa San Mateo tapos lakad tayo sa mga hills dito..pramis. YON talaga ang pampapayat na lakad saka daan tayo don sa cemetery kapag gabi na..XD
Elmo:Ano nanaman iyan pinagsusulat mo?!? di..ikaw ha..napapaWAT ka na..at last masosolo ko na si Matsumoto Jun..ang hilig ko sa J noh-Jin at Jun..whehe
oo sige simula ngayon bibitiwan ko na ang kahit anong “pagnanasa” *what the hell?!) kay matsumoto jun. (hoy sa mga berde jan.. iba ang iniisip niyo sa pinapahiwatig ko). Basta walang aagaw kay Teppei! (that means u riza) or else there will be hell to pay! (kyaaa im in a very critical fan girl mode… bad ..bad)… dapat ishare hindi inaangkin diba? well not in this case mwuhahahaha.. teppei daisuki!!!
elmo: oo sige na sa iyo na, marami pa naman ako dito eh XD haha hmmm sus elmo kunwari ka pa! alam ko naman na lab mo ang green eh. napaka berde mo ngang tao. ngek, gulay pala. XD hwee~ brocolli!
louanne: yun nga eh! adventurrrrrr sa san mateo~ hweee~!
wow naman..so conversations with elmo at riza na po ba ang entry na ito.. at least masaya ako at may nacocoment pala sa blog ko. XD
elmo:oo nga eh si elmo sobrang hilig sa green pero di naman talaga iyan green minded–teka di nga ba?!?–> just joking elmo.I really enjoyed our game sa psychology.pramis ^____^ kahit nauudlot paminsan minsan.
riza: hala..wala na pala nasabi..teka medyo nacurious ako don sa latest entry mo ha..so ikaw rin may di ako nalalaman sa iyong life…share ka naman diyan kung may oras ka.Saka huwag kalimutan ang ating alumni homecoming this sabado..:)
Dapat bumuo tayo ng group eh–SAMAHAN ng mga TUNAY na FANGIRLS..XD..huwatdoyouthink?!?
riza: HWAHEHE gulay pala ako ha! green is hakkai’s color and i am hakkai’s daughter woot
louanne: walang tatalo sa volvox ko wahahahaha…. oi ung isa hindi mo panasasagot..hwuhahehehe hindi mo talaga masasagot un kung hindi mo alam ang hilig ko nung 2nd year at hindi ka familiar sa scientific name nun. clue: friendster profile ko
elmo:hala scientific names..whehe..oo nga mahina ako sa mga ganun..matignan nga yung profile mo..
and speaking of scientific names naalala ko yung nagtour kami ni riza sa Ateneo with stefmacam. Nagulat ako kasi etong si riza alam yung scientific names ng mga halaman sa ateneo.
+++
Sana’y magturo na yung SA na tinutukoy ni sir. noh..XD at least siya mukhang mabaet.
+++
Naisip ko lang..ano bang ibig sabihin yung mahilig ako sa purple??di ko kasi alam eh.