Si..si..ano…..AYON SIYA..ahhhh+hypotonic mode+
October 4, 2006 by luanikatherovician
Katulad nga ng sinabi ng aking kaibigan na si elmo.
NAKITA na namin siya.
Sa di inaasahang na pangyayari nakatambay ang 1-20 sa faculty ni sir.mercado dahil nga nakikipagnegosyasyon pa kami sa kanya dahil sa kala niya wala pa kami sa auditorium..nandoon kaya kami sa tabi.+grr..+ kaya eto 8:30 pa rin uwi ko ngayon.Kala ko pa naman maaga na akong makakauwi..
anyway ayon..tapos nakita ni ricel si sir.billy tapos napatingin ako at lumaki ang aking mga mata with 20-20 vision kong nakita si mam. jeremie. Doon ko na nga nasabi ang mahiwagang salita..
"ELMO…Ayon Siya….!!!!!"
elmo parang di getz nung una pero nakita niyang may kaholding hands si sir.billy..don lang niya nagetz ang gusto kong sabihin..
"AHHHHH!!XD"
TAKBO.
Di kaming nangalinglangan kung magmukha kaming tanga na tumatakbo with heavy equipments (AKA:mabigat na gamit) sa koridor basta’t makita lang namin sa personal si jeremie.as in yung malapitan.
Buti na lang at naabutan namin sila na nasa staircase.
Nakita kami ni sir. at tinanong kung bakit kami nandoon.
Teka. in furness ni di nga namin alam ni elmo ang sasabihin namin eh buti na lang mga estudante si sir billy na kinausap..nabigyan kami ng pagkakataon na makaisip muna ng matinong sasabihin..nakakahiya naman kasi kay mam jeremie baka may masabi kaming "kakaiba"..XD
Tapos may estudante rin na kumausap kay mam jeremie. Tinitignan ko siya non. May inabot pa nga na papel yung estudante sa kanya.ang tawag sa kanya ate..
Ako naman naisip ko na mam jeremie ang tawag ko sa kanya.kasi g.f. siya ng aming titser..kaya mam.:) Saka baka magalit siya kapag "ate" ang tawag ko sa kanya..XD.joke lang po.di niyo magegetz iyon unless ikaw ay nandoon sa 1st meeting namin with sir.XD.pero past is past..naalala ko lang kasi bigla yung incident na iyon eh.
Siguro IKAW na nagbabasa ngayon ng blog ko..naiisip mo kung bakit ang kakapal ng pagmumukha ng aming face at gusto namin makipagkilala mali uhm. makita ng personal ang girlfriend ng aming teacher. Inaamin ko na talagang kahit di halata nahihiya rin naman kami (kaya nga lang yung hiya na iyon..narerealize lang namin na nahihiya kami after the "incident" hindi during the "incident" XD). Isa lang ang kasagutan diyan sa tanong mo..
Kasi kami ni elmo ay fangirls..
HIndi fangirls ng aming teacher..
kundi "fangirls" kami ni mam jeremie. Weird noh ni di niya alam iyon siguro pero eversince nalaman namin ni elmo ang lovelife ng aming guro nagkaroon kami ng "pagnanasa" (parang maniac ang labas..XD ibahin ko nga..) "curiosity" kung sino ba yung naging "pacifier" ng prof namin na kilabot (Geronimo,E.(2006).Jeremie’s fangirls.friendster;Manila) kaya ayon fangirls kami ni mam jeremie.
kaya lang kanina..natakot ata si mam jeremie sa amin.
Ngayon lang ata siya nakakita ng masyadong hypotonic na mga estudante. Kasi lumipat siya sa kabilang side ni sir.billy yung kinakausap namin siya eh.
Sa sobrang saya nga namin wala kaming masabi kay mam kundi "hi po!" pero ang dami kong gustong itanong.Nablanko ako sa kagandahan niya eh.Ni di siya nakapagsalita sa amin.:( pero okay lang.Alam po namin na naweirdohan siguro kayo sa amin ni elmo.
Wala po kaming bad intention sa inyo po.pramis.
Kaya.Sorry po kung nagulat man po kayo..sorry rin po sa aming teacher na si sir. billy kung medyo makulit kami ni elmo..*kaya nga kami fangirls eh!* XD
Alam niyo ba ang makita si mam jeremie ang isa sa mga goals namin ni elmo bago matapos ang unang semester namin sa PNU. Kaya ganito kami kasaya na nakita namin siya.
May isa pa kaming gustong makita na personal na girlfriend eh..yung g.f. ni sir.bau (teacher namin ni elmo sa physics at gensci.tapos moderator ni elmo sa arts club). Ang dami kong naririnig tungkol sa kanya..kaya nacucurious na kami sa g.f. niya..Kaya namin ito.FIGHTO-OH
Sa uulitin.