High School Reunion
October 1, 2006 by luanikatherovician
Sobrang saya ko nung sabado.
Kahit na medyo nakakawindang ang mga nakikita ko sa daan dahil kay Milenyo..di ito naging hadlang upang maging maligaya at magwala parang baliw.
Sa mga di nakakaalam.Nagcelebrate kasi si elmo ng kanyang 18th birthday (haha.pare.LEGAL ka na XD..kala di pa ako 18) actually birthday niya sa lunes (October 2) pero dahil nga napakatoxic ng araw na iyon napagtanto niya na icelebrate na lang niya nung sabado. Ang astig nga kasi bday rin ng kanyang MADEAR! (happy bday rin tita..).
Ayon ang daming relatives (naalala ko yung text ni riza.:) ). Pagdating ko nga maling bahay pa ang pinasukan ko.Walang sumasagot buti na lang naisip ko na baka sa bahay ng kanyang lola icecelebrate kaya naglakad pa ako ng kaunti. Una kong nakita yung parent ni elmo. Pagpasok ko sobrang nagulat ako kasi nakasalubong ko bigla si elmo sa pintuan (muntik na akong matamaan nung screen door). Kainan ang sumalubong sa akin. Tapos ayon nagulat ako kasi nandoon yung mga kaibigan namin ni elmo. Ang warm nga nung greeting nila sa akin eh.Nakakatawa pa kasi nakapila sila.
Pagkatapos humanap kami ng aming pwesto tapos kumain. Parang fiesta sa dami ng pagkain..bale wala nanaman ang aking "bawas-kanin" sacrifice.:( pero di ko maiwasan.masarap talaga lalu na yung kare-kare XD Don na nagsimula ang mga "kamusta-na-ang-bukay-kolehiyala" conversations. Ayon ang daming gustong magvolunteer na mauna. Medyo nashock ako sa mga buhay nila. Ang dami ng nangyari sa kanila..pati na rin ang kanilang lovelife.
Di maiwasan na di mapagusapan ang UAAP finals na Ateneo VS UST. Sila Val at Stef kasi Atenean tapos sila Christine. Jovic, Madz ay USTE kaya ayon rambol sa kaingayan. Mayroon rin naman "kebs" lang sa isuue (Riza(CEU-Makati),Ako at si Elmo (PNU), Ama (DLSU) at si Therese (UP)..bumuo na nga lang tayo ng sarili nating UAAP kasi eh!) pero sobrang saya lalu na kapag nagtapat na si Ama at si Val.hehe.
Tapos ayon puro picture at kumanta ng happy bday kay elmo na medyo nawindang ako kasi may white wine. Medyo KJ ako at di ako uminom.Ayaw ko kasi talaga. Nakakahilo yung amoy. Tapos ayon picturan si elmo kasama family niya. Tapos iyon ay dumiretso kami sa living room nila at naglaro ng madjhong. (tama ba spelling? di kasi ako naglaro eh.) at baraha. XD. Tapos ng special conversation kami ni Stefmacam at Riza..kung tungkol saan..SECRET! XD medyo di rin kinaya ng powers namin ang mga nakalap naming balita eh.
Tapos ayon dumating si Mama at Ate tapos may takeout pa akong balloon na pink na may nakasulat na "Hapy 18th birthday Roselyn.." grabe.di talaga ako sanay na Roselyn ang tawag kay elmo.Layo kasi eh!
oo nga pala elmo what’s with the color pink?
Pink na shirt,pink rin yung mukha mo at ang daming pink sa paligid.
pero masaya talaga sana maulit muli iyon.Sino na ba susunod na magbibirthday?
Ganito pala ang feeling kapag ang tagal niyong di nagkikita. Nakakaloka!
Basta elmo.Happy Birthday..:)
Sa uulitin.
loka! 18 na tayo parehas wahahaha ano ba isa sa mga fav colors ko ang pink no.. pero number 1 parin ang green (for hakkai..) oo na muka na akong sinampal dahil sa pink ng muka ko nun.. abaangan nalang natin ung pix pag naayos na computer ko sa bahay… i’m glad u guys had fun kahit sobrang gulo nun at walang kaplano plano hehehehe. hmmm si christine lim at kimi austria ang susunod na magbbirthday. sabay silang dec 2 eh.. hmm wala bang november? meron ate ko hehehe as if naman
ok sa mga nagbabasa nito.. puntahan niyo rin blog ko for my version of the said “event”… pero teka next time ko pa pala ipopost un kasi la ng time ngayon.. ok .. ja ne!
si christine at kimi..wow naman doble celebration pa iyon..pero ewan di ko naman talaga kaclose si kimy eh..
Grabe yung bday mo noh.nakakaloka 1 lang ang subject batin..nanood lang tayo ng jologs..:)