Frustrations Galore..
October 18, 2006 by luanikatherovician
Pwede bang maglabas muna ng frustrations dito? weh.kala nasa inyong kamay ang desisyon..wala kasi akong outlet ngayon kundi itong blog ko..
Naiinis ako kasi
- Di ako nakatulog ng maayos..di ko alam kung bakit nga ako di makatulog wala naman akong iniisip..weird nga kasi pagod ako sa pagcocomute ko kahapon so dapat wala akong problema sa pagtulog .ewan ko ba.. siguro may insomia na ako XD.HALA. Kaya pagising sa umaga wala na ako sa mood
- Kaugnay sa pagtulog ko..may nagtext sa akin ng alas tres ng umaga..mas nauna pa siya sa alarm clock ng cellphone na nakaset na magalarm ng 5:00 a.m…importante naman yung text kaya nga lang..dahil don.ayaw na pumikit ng mga mata ko kaya nakatingin lang ako sa kawalan ng 3:30 a.m. onwards…
- Di nanaman equally distributed ang household chores sa bahay..medyo mabilis akong mainis kapag tungkol sa bagay na iyon..Gusto ko kasi maayos ginagawa yung mga gawaing bahay kasi kapag hindi..ako rin naman yung gagawa ulit non eh! Ako na nga yung nagset ng pinggan tapos ako pa ang pinaghugas.okay lang sa akin maghugas pero sinabi na nga na ilagay sa likod yung mga huhugasan di pa ginawa..kamusta naman iyon..Babaw noh..pagpasensyahan niyo na..bunso kasi ako at ayaw ko na "inaapi" ako sa bahay.
- YM..as in Yahoo Messenger—ayaw ko lang kasi na magsisign out na di pa sinasagot yung tanong ko..ACTIONS speaks louder than words..pero sige.intindihin na lang kasi busy siguro siya sa mga gawaing pangeskwela…baka naststress.hala.katulad rin siya ni mam values…HALA!
- Next sem. wala na akong dismissal na 7:00…ang oras na ng uwi ko ay 8:30 ng gabi. X( Kala ko pa naman mapapaaga na uwi ko.
- Di ako pinayagan na umalis kasama ng animalia ngayong araw dahil nga kinakailangan kong magreview para sa biology finals…naku.nakakalungot isipin na lahat sila ay nageenjoy na sa kanilang sembreak habang ako..eto…nagrereview.Oh well.kinakailangan ng disiplina.
- Di ko alam kung paano papasok sa utak ko ang lahat ng kinakailangan kong ireview..medyo marami kasi iyon eh.
PERO may isang bagay na nagpapahypotonic sa akin..
basta ito lang ang masasabi ko
I LOVE YOU SABADO…XD.
sana nga makapal ang pagmumukha ng aking face sa araw na iyon.Teka.Ano nga ba isusuot ko?Saka anong sasabihin ko? Saka magwawala ba ako?
Akala ko sa Oct.27..nawindang ako ng malaman ko na sa sabado na pala iyon..
Weird nga kasi Ikinatuwa-kinainisan ko rin yung nalaman ko iyon..kasi di pa ako handa..XD
Sa uulitin.