Ang paghihinagpis ng isang fangirl
October 9, 2006 by luanikatherovician
To make things short.
Hindi ko nakuha yung isa sa magpapaligaya sa akin ngayong linggong ito.
Iyon na nga lang ang magpapaligaya sa akin ngayon–sa gitna ng aking pagdurusa sa mga gawaing pangkolehiyala katulad ng reports sa phil.his (japanese occupation) at bio. (excretory system), final exams sa values,phil.history,eco.,english (lahat naman eh..), quiz pa bukas sa math tungkol sa factoring atbp. dahil na nga magtatapos na ang 1st. sem. at ang aming presentasyon sa P.E. na pamatay rin..
Siguro dahil masyado mali SOBRANG umasa ako na makukuha ko iyon ngayon araw na ito.
Aaminin ko na halos gumuho ang mundo ko yung nalaman ko na di nga nadala. Alam niyo yung sa anime yung biglang glass na mababasag at magpipiraso (nagpirapiraso..speech choir ba ito?–tiga1-20 lang makakagetz nito..)saka yung iiyak na parang babaha na sa paligid..ganon ang gusto kong gawin pero syempre di naman ako anime.
Cge.Reasonable naman yung excuse..pero nalulungkot pa rin talaga ako.
Wala tuloy akong inspirasyon bukas.:(
Pati na rin sa susunod na araw…
….pati na rin sa darating na mga araw.
Hay..:(
Lesson: huwag masyadong mahypotonic sa mga bagay ito’y nakasasama at nakamamatay X(
at bukas maalala ko nanaman iyon for sure…:(
Sa uulitin.