10.14.06.
October 14, 2006 by luanikatherovician
Kahapon…
- Maaga akong nagising para pumunta sa bahay ni maria theresa na malapit sa lrt v.mapa station. Di na ako sanay gumising ng maaga tuwing sabado kasi rest day ko iyon eh..pero no choice kasi para naman iyon sa finals namin sa PE.Ang ang shocking pa don ay 4 lang kaming nagpractice(kasama na si tere don)..HELLO.9 po kami sa grupo parang ayaw nilang magkagrade sa PE ah..may isang matinong nagexcuse pero yung iba X(..ang hirap kaya baguhin at gumawa ng choreo na di kumpleto.so good luck na lang sa amin bukas..
-Inimbitahan ako ni katan sa kanyang 18th bday sa kanyang bahay..ang problema nga lang..siya’y nakatira sa Alabang,Muntinlupa..aba.walking distance lang iyon sa San Mateo Rizal ha..XD buti na lang at kikitain kami ni katan.. kaya pagkatapos ng practice sa PE..nagmadali akong sumakay ng g liner..bumaba sa lrt v.mapa…bumababa sa lrt areneta cubao..pumasok sa gateway..pumasok sa farmers market..na karugtog ng mrt cubao..bumababa sa shaw station..naglakad papuntang shang..bumaba sa 4th floor..at hinanap ang ricky reyes na parlor upang makipagkita kay katan..TAKE NOTE:nagawa ko iyon in 35 minutes..pampapayat na lakad iyon at saan ka pa nakakita na pupunta ng debut na may dalang filipino book, eco handout na tungkol sa taxation at ARNIS..(kinakailangan ng multitasking) XD
-Nakipagkita rin kami kay eli na kakagaling sa kanyang klase sa Makati Med..Benta etong si eli..kasi naman di marunong magtago..alam mo naman na observant akong tao eh..XD
-Sumabay kami ni eli sa kotse ni katan..kasama rin si tita na napakafriendly pati rin si kyle (younger brother ni katan) na todo naubusan kami ng english vocabulary..di naging boring ang aming paglalakbay papuntang muntinlupa.
and speaking of muntinlupa..
-first time lang namin ni eli na makadaan sa skyway..XD. Ayon. syempre medyo lumabas nanaman ang aking expression na.."wow….ahh..ayon…ahh..wow…" na paulit ulit. Medyo nakakahiya nga lang pero eh ano naman first time ko nga lang nakadaan..sayang di ako nakapagwish..XD
-teka.naalala ko lang..may benta scene rin etong si eli..nasa may guadalupe pa kami non tapos sabi ko sa kanya..eli..anong mrt station ito..eh di niya alam kaya nagbigay si tita ng clue..o letter G nagsisimula yung word..etong si eli with feeling pang sinabi: GLORIETTA! XD. Talagang sumakit yung tiyan ko sa kakatawa sa sagot niya..okay lang iyan..kaya nga tayo LOPEZ eh..we bring joy to the people around us..saka etong si eli:elenore lopez ang pangalan niya..kapangalan niya ate ko…kaya nga magkapatid kami..teka.di pwede iyon..kasi penguin ka tapos ako’y isang hamak na clam..XD
-Di na ako nanibago sa daan yung pagkababa namin sa skyway..familiar na ako sa daan dahil dumadaan ako doon tuwing fieldtrip o kaya family vacation saka kapag dinadalaw ko daddy ko sa manila memorial park sa paranaque.
-Pagdating namin sa bahay ni katan mga 6 p.m. na iyon namangha ako sa kanyang bahay pati na rin sa lugar nila..napakalaki ng daan (pwedeng magpatintero) at sobrang tahimik..parang nakakahiya na magingay sa kanilang lugar.Pagkatapos namin magayos at makipagkulitan kay katan..(cyempre.taking advantage habang kami pa lang ang guest..) ay nangyari na ang isa sa mga pinakanakakahiyang experience sa aking buhay..grabe.nakavibration-greeting mode pa ako.XD buti di ko ginawa yung entrance natin..parang gusto ko na lang magevaporate that time..
-Di kumpleto ang animalia na medyo ikinalungkot ko..Aleph-check (namiss ko ang ating conversations..aka:pampalaki ulong conversations..XD at ang Sam Milby na autograph na mukhang SAM MIILKY..XD sayang dapat nagpasign ka rin for john lloyd..)..Eli-check..Tario-check..Ako..Check..Faye,Pralaine,Cla,May..spiritually check..:)..Cla: Get well soon..at May: benta ang pagkanta mo ng i-wish-u-a-happy-bday kay katan na inabot ng 30 minutes bago ka namin mapakanta.Ayon.Picture galore..Eating Galore..at Investigating Galore..XD Tario: humanda ka na:Ikaw na ang susunod.XD
-Natapos yung party ng mga 10..KONTENTO ako sa food.sa people.sa friends.lalu na sa giveaway..parang nafeel ko ako si julian ng my girl…XD
-Nakakahiya man..pero inihatid kami ulit ni tita sa shang. kasi nga gabi na..pero sabay kami ni tario at ni eli…sobrang nagign masaya yung araw na iyon..
Kaya 12:30 a.m. na ako nakarating sa bahay.Medyo pagod pero masaya…:)
Next stop: Eli’s debut sa November 4..sa may greenwoods..hay.
pero bago iyon.
Ang final week ko sa PNU…SUCKS kinakabahan na ako sa grades ko…at cyempre.aral..aral..aral..mode..hay..
Isang linggo na lang..
mali..
Isang MAHABANG linggo na lang…
Sa uulitin.