isang saloobin.
September 8, 2006 by luanikatherovician
Naging napakakomplikado ng linggong ito. Sa sobrang komplikado di ko maiwasan na maiyak nung biyernes.
Marami kasing bagay na bumabagabag sa akin nung mga oras na iyon.
"Bakit kami pa?"
Nananahimik na nga lang kami sa isang tabi. Wala naman kaming ginagawang kabalastugan pero napahamak pa rin kami at maraming tao ang nadamay.
pero alam ko na kakayanin ko este namin ito. Alam ko isang araw maayos rin lahat ng mga problemang iyon-kasi wala naman kaming intensyon na manakit ng ibang tao. diba?diba? may mga pesteng tao lang sa mundong ibabaw na nagpapahamak ng ibang tao.
aaminin ko medyo naapektuhan ang aking pagaaral dahil sa mga problemang iyon pero kailangan na karirin ang pagaaral lalu na ngayong linggong ito. Entrance Exam for BSBT, Conceptual Framework with outline sa Values,Quiz sa math,Exam sa Bio, Yunit test III sa Values.etc. di talaga kami tinantanan.:( Di ko alam ang uunahin ko..pero kakayanin ko ito.."Fighto-oh!".
***
Despite of all the negative things,may napatunayan ako ngayong linggong ito.
May mga tunay na kaibigan ako na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para huwag magpakaloka sa buhay kaya from the bottom of my tummy I like to say thank you-IRA,TERE,CAMILLE,TIN at ELMO..:) You guys are the best!
Sa uulitin.
kaya muyan!!Ü
doiteshimashite… hay heto nanaman ang linya ko na sinasabi sayo dahil sa linyang lagi mong sinasabi sakin and to everyone else. pare what are friends for? hmm teka i can answer my own question kaso mapupunta sa ibang topic ito hwahahahaha. basata laging tandaan lagi kaming nandito. only a kalabit away…. except kung nasa san mateo kana at nasa kanikanilang bahay naman kame… heh pilosopo naman ako *bonks on the head*
elmo.nakanaks naman.salamat pati na rin kay aries…:)
oh well. basta naiisip ko na lang na walang binibigay si lord na di ko kaya diba?diba?