Find the value of X :)
September 18, 2006 by luanikatherovician
Dahil sa wala akong magawang matino habang naghihintay sa lrt katipunan papuntang PNU, napagmuni-munihan ko ang mga nangyari sa akin nung nakaraang Sabado at Linggo. Base sa mga pangyayari..CERTIFIED FAN GIRL nanaman ako. Medyo natuon ang aking interest sa kanya yung Sabado dahil TALENTADO siya.
saka nakakacurious kasi ang kanyang tunay na pangalan.kasi naman ayaw pang sabihin sa akin eh.:(
oh well. kailangan talaga ng sipag at tiyaga.Alam kong makakalap ko rin ang inaasam kong impormasyon.
***
Sana nga lang mapaautograph na yung cd ASAP at SANA may maikling dedication man lang.:)
***
Aaminin kong 1st time ko lang narinig ang kanilang banda at talagang nakuha nila ang aking attention. Nakakaapreciate naman ako ng kanta kahit di ko naiintindihan yung lyrics. Mas lalu ko silang naapreciate nung napakinggan ko ang kanilang original songs.:) Mataas ang tingin ko sa mga banda na nagcocompose ng sarili nilang kanta. Ayaw ko kasi yung puro revivials lang ang kinakanta eh.
***
Ewan ko ba pero madalang lang (at yung madalang na iyon ay nangyari yung napakinggan ko na ang kanilang cd.:) ) na nagugustuhan ko kaagad ang kanta na 1st time ko lang mapakinggan. It usually takes about 3-4 times bago ko talaga maapreciate ang isang kanta. For example yung kanta ng PARAMITA na Oo 3 beses ko munang pinakingan iyon bago ko maapreciate yung kanta.
***
Bakit ko nga ba iririsk na mabuking ako dito sa friendster? Siguro eto kasi yung laman ng isip ko ngayon eh. saka BINUHAY niya NILA ang aking "musician side", isang parte ng aking pagkatao na medyo passive dahil sa dami ng school load.
***
Sa sembreak hopefully matapos ko yung naudlot kong composition.
***
Saka sana ipagpatuloy nila ang kanilang magandang nasimulan:) Susuportahan ko sila.Naisip ko lang kaya ko ba silang suportahan na di ako nagiging isang fangirl?
Kailangan na huwag masyadong maging fangirl at ngayong araw na ito matetest ang aking TOLERANCE sa pagtanong ng impormasyon tungkol sa kanya.:(
FIGHTO-OH!
Masyadong marami na ang aking nasabi.oh well.
Sa uulitin.
OMG lulu~ benta yung title
haha basta lulu, maghahagilap ako ng impormasyon kung kelan ulit natin sila makikita at this time sana di na late mag perform kasi may pa-special XDD haha FIGHT-O lulu!
HAHAHAHA XD the variable! the name~ wah im sorry di namin siya na picturan kasi sinundo na kami ng dad ni stefu at di pa sila tapos. bummer!