ala Testimonial for Riza :)
September 10, 2006 by luanikatherovician
Nakausap ko kahapon ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan na si Riza.
Sa totoo lang ang paguusap na iyon ang isa sa mga bagay na nagpasaya sa akin kahapon. :)Sa tuwing naaalala ko ang aming paguusap bumabalik ako sa aking napakakulay na nakaraan.
***
Nakilala ko kasi siya nung kami ay hamak na freshmen pa lang sa St.Paul bagong estudante siya non at dahil sa parehas kami ng parish involvement doon kami nagkakilala at naging magkaibigan. Wala akong second thoughts na ipapakita sa kanya ang aking kabaliwan kasi tinaggap naman niya kung sino ako-isang jologs,emotional,maingay at matakaw na LOUANNE.
Isa sa mga pinakagusto ko sa kanya ay kapag tinotopak ako tinotopak rin siya pero once na naging seryoso ako (mabilis naman mahalata sa akin iyon eh!) nagiging seryoso rin siya at doon nagsisimula ang aming "deep talk".
Never ko siyang naging kaklase sa aming highschool life..oh well.. pero di iyon hadlang sa aking dalaw visits sa kanyang bahay na napakahomey. Pumupunta ako sa kanya usually kapag malapit na magexams o kaya wala lang akong magawa sa bahay. Isang kalye lang kasi ang pagitan ng aming mga bahay at in fairness magkakilala ang pamilya namin.Kaya nga kapag pupunta ako sa kanya okay lang.:)
Siya ang naging katuwang ko sa hirap at saya sa lahat ng aspeto ng aking pagkatao. If i’m not mistaken isang dosenang hapas na rin ang natanggap niya sa akin tuwing kinikilig ako. Siya yung isa sa mga tao na binuhay ang aking passion sa musika.
Marahil nga iba na ang aming mundong ginagalawan pero di nagbago ang riza na kilala ko-mahilig pa rin sa japanese stuff (ako medyo naiimpluwensyahan na ni elmo..:) ), may sense pa rin kausap at kahit ano pwede ko pa rin sabihin sa kanya, magaling pa rin siya sa pagguguhit, gumagaling pa rin ang kanyang skills sa pagiging isang "detective"
(isali mo naman me diyan)
at higit sa lahat
Si Riza ay isang tunay na kaibigan.
Malapit na naman kami magkita eh. Ano kaya una kong sasabihin sa kanya? Magiging napakadramatic ba ng pagkikita namin ala telenobela..i guess not.AKO pa..:)
Basta, Riza.Salamat talaga sa ating "may-sense-conversation" nung Sabado. Napagaan mo ang loob ko.
Ilang tulog na lang magkikita na tayo
huwag kang magalala sa tingin ko di na ako tumatangkad (ang dami ata nagdadasal na huwag na akong tumangkad kasi eh..)
P.S. Namimiss ko na rin ang after dismissal talks natin with StefMacam..:) sana maulit iyon ulit.:)
Sa uulitin.