wala lang.
August 30, 2006 by luanikatherovician
Wala talaga akong magawa ngayon.
Masyado napaaga ang aking pagpunta sa PNU..in fairness nararamdaman ko na ang foundation day. Daming tao kasi sa labas.
Sportfest ng teachers at staff ngayon..Bakit ganon yung nasa st.paul ako ang sports lang nanilalaro ng teachers ay yung volleyball? naexcite ako sana may makita akong guro ko na naglalaro. May teacher kaya kami na magaling sa isports?
There’s only one way to find out…+evil laugh+
pero di ba nakakaaliw makita ang mga guro mo na iba ang ginagawa. I mean besides nagtuturo sa klase. Di lang pangturo kundi pang isports pa!
***
May creeping lalaki pa na nakasabay ko sa bus papuntang PNU kanina. Palagi akong tinatanong ng personal na information. Syempre todo creative naman yung mga sagot ko.Tapos sabi niya pwede ba daw ba hawakan yung "mabuhok" kong braso. Sabi ko "HINDI!". Napadasal ako bigla.May topak iyon siguro.
Kung di lang ako nakasuot ng PNU na uniporme, manununtok na ako.pramis! Wala akong pakiealam kung pangit tignan na ang isang babae ay nanununtok pero di talaga ako magdadalawang isip na gawin iyon kapag may maniac na akong katabi.
pero nagdalawang isip nga pala ako dahil nakaPNU uniform ako..basta.
Sa uulitin.
hi louanne!!how are you?
speaking of suntok… see my blog entry may relation dun