Seeing beyond
August 16, 2006 by luanikatherovician
Kakatapos lang yung qualifying exams for BSMT (Bachelor of Science in Mathematics for teachers). Marami rami rin ang nagtatanong sa akin kung plano ko bang kunin iyon o kahit subok lang na makapasa sa exam at interview na iyon.
Simple lang naman ang sagot ko eh..
"Syempre..Hindi!" (sayang di pwedeng ilagay dito kung pano ko sinabi iyon..)
***
Marahil iniisip mo ngayon na "ano ba naman itong si Louanne pumasok sa PNU dahil sa kagustuhan maging isang guro tapos di pala niya alam kung anong gusto niyang ituro." OO..inaamin ko na hindi ko pa rin alam talaga kung anong gusto kong ituro. Naalala ko tuloy yung bumisita ako sa St.Paul syempre kinausap ko yung mga guro ko..palaging tanong nila sa akin "O saan ka na nagaaral? Anong course mo?". Naku kapag narinig ko na ang dalawang tanong na iyon alam ko na kung saan hahantong yung usapan…
"So anong imamajor mo?"
Misan lang ako matameme sa buhay ko at yung minsan na iyon ay kapag itinanong na sa akin ang tanong na iyon.
***
Napansin ko lang sa mga guro ko kung anong itinuturo nilang asignatura iyon rin ang "ipropromote" nila sa akin. Alam kong normal lang naman iyon sa mga guro pero natatawa natutuwa ako sa kanila- basta’t mahirap iexplain.
***
May anim na asignaturang gusto kong pasukan.Subok lang naman eh, wala naman masama don diba? kaysa naman magsisi ako. Ika nga sa Ingles-"No regrets!"
Marahil napaisip ka na kung ano yung 6 na asignaturang iyon (teka.may interesado nga ba?).Makapagbigay nga ng "blind items"..hehe.
1. Yung unang asignaturang gusto kong subukan ay may relasyon sa 1st choice ko sa UST.(give away na ito sa pamilya ko..sobra.)
2. Yung pangalawang asignatura..uhm..nagustuhan ko iyon dahil sa guro ko (naku.kapag hindi pa ito nakuha ng mga nakakakilala sa akin lalu na ng mga kaibigan ko at klase yung tritri.ewan ko sa inyo!baka matapon ko kayo sa dagat!). Siya lang ang naging crush ko na teacher sa St.Paul..(kapag naiisip ko siya di ako makapaniwalang naging crush ko siya..parang nahiya ako bigla). Matino kasi siyang guro kaya kahit mahirap yung itinuturo niya-napadali niya (O baka naman nadadalian lang ako dahil "inspired" akong magaral at makinig sa kanya.."
Saka "cute" kasi siya eh..lalu na yung height..+evil laugh+
Past is Past…at proud akong tapos na ako sa aking kabaliwan…:)
3-4. Yung pangatlong at pangapat na asignaturang gusto kong subukan…Talagang first and second choice ko sa PNU. Diba kapag sinulat mo na gusto mong magsecondary education pipili ka pa ng 3 subjects na imamajor mo. Sa 3 iyon etong 2 na lang ang gusto ko pa rin pasukan kahit namulat na ako sa "realidad" ng PNU.hehe
5.Yung panglima..isa sa mga "kahinaan" ko (syempre out na yung math..) pero kahit ganon gusto kong mapatunayan sa sarili ko na kaya ko kahit nakakanosebleed..:)
6.Yung pinakahuling asignaturang. Yung una wala talaga akong planong kumuha ng qualifying exam at interview dito pero dahil sa mga pangyayari sa aking buhay sa PNU gusto ko na rin subukan. Sobrang may relasyon siya sa sagot ko sa number 2 at isa sa mga dahilan yung bakit ko kukunin iyon ay katulad ng number 5.
Napakadlaing hulaan iyan kapag kilala mo ako.Diba elmo?
Bakit special mention si Elmo???
Kasi alam na niya eh kung anu-anu ang mga iyan. Nasabi ko kasi sa kanya. Kaya elmo huwag mo nang hulaan iyan okei? at huwag mong masabi kung anu ano ang mga iyan kundi..
("this-is-a-threat" gesture..) yung 1-20 alam na alam iyan gesture na iyan..:)
***
Sana talaga makapasa ako sa maraming choices kong iyon.
Teka ni di ko pa nga alam kung kailan at saan magququalifying exams..
Oh well..
FIGHTO!!FIGHT!!!
what’s with the threat gesture? kala mo natatakot ako jan? eh niwwrestling ko nga kuya ko eh. san ka pa?
nu ba un hindi mo rin sinabi kung ano talaga ung mga subjects na ipagttryan mo >.< basta subukan natin ung mga napagusapan na natin ha
Fighto… OH!!
bad trip nga at 3 lang pala yung pwede pagtriyan…hay..so kailangan ko ng process of elmination ng choices ko..:)