isang di malilimutan na sadali
August 29, 2006 by luanikatherovician
nahawakan ko ulit ang aking gitara
sa totoo lang sobrang naninibago ako. Napaisip ako…marunong pa kaya ako maggitara?Matagal tagal na rin na nakadisplay iyon sa aking kwarto. Medyo inaalikabok na yung black casing (parang may dandruff yung casing..:) )
Nakaramdam ako ng pananabik. Mabilis kong binuksan yung casing. Muntik ko tuloy masira yung zipper ng casing ko.
Ang isa pa sa mga gusto ko sa gitara kapag nahawakan ko na ito pakiramdam ko ang galing galing kong tumugtog kahit di pa ako nagsisimulang tumugtog.
Pinikit ko ang aking mga mata at nagsimulag tumugtog. Wala akong sinusunod na songhits o tabs. Mas lalu na akong natuwa ng magsimula akong magplucking.
Di ko maisip at maibigay sa inyo yung tamang termino/salita na nararamdaman ko.
5 bagay na naisip ko nung ako ay nagigitara:
1. marunong pa rin akong tumugtog (yes…!!!)
2. kailangan ko nang bumili ng panibagong songhits para madagdagan na ang aming kolesyon
3. gusto kong makabili ng bagong gitara (yamaha C-60 kasi yung gitarang ginagamit ko eh) na galing sa sarili kong pera
4. kailan ulit mauulit yung jamming sessions ko kay ate yo?
at ang huli.
5. namiss ko bigla yung tatay ko. Siya kasi yung bumili ng gitarang iyon eh at siya yung iniidolo ko sa pagtugtog ng gitara
at least naramdaman ko kahit saglit ang pakiramdam na wala akong problema sa buhay.
Sa uulitin