Devastation day
August 17, 2006 by luanikatherovician
Kung may isang bagay na naitulong sa akin ng st.paul iyon ay ang paghandle sa isang kaderbang homeworks,quizzes at iba bang school stuff. Nasanay na akong gumawa ng mga school stuff hangang madaling araw at gigising rin ng maaga para di malate sa school. Sa St.Paul kasi 7:30 ng umaga ang pasok kaya nga sobrang tuwa ko na ang pasok ko ngayon nasa kolehiyo na ako ay 10:00 a.m. o kaya naman 1:00 p.m.
***
Sana’y akong magpuyat pero hindi dahil sa schoolstuff ako nagpuyat kahapon.
Napuyat ako sa kakaisip
***
Inaalala ko kasi yung librong galing sa library. Sa dinamirami ng mawawala pang gamit iyon pa. Overdue na nga yung isa pang libro na hiniram ko tapos nawala naman yung isa. First time ko pa naman manghiram ng libro sa PNU library..:(
***
"Hmm..Louanne aq dn. San kaya npunta ung librong un. Sn kung npulot man eh nbalik s lib. anu naipit b don sa sinasabi mong secret? panu yan ngaun? pero relax lng bk mstress ka" - Ira. 10:08:06 p.m. (2006.08.07)
Besides kasi sa librong iyon may papel na nakasama doon
FLASHBACK
2006.08.17.
Sa library
Jerald: (Habang tinitignan yung envelope) Pwede ko bang kalikutin yung envelope mo?
Louanne: Teka. May secret ako diyan (kinuha yung envelope kay jerald at unting -unti nilabas ang isang dosenang papel..) O pwede mo nang kalikutin iyan.
Kung alam ko lang na mawawala ko iyon eh kundi sana di ko na nilabas sa envelope iyon. pero di kasalanan ni jerald ha. naalala ko lang yung pangyayari na iyon..:)
***
Kinakabahan ako kasi feeling ko kapag may makakita non ay sa maling tao niya maibigay yung papel…at ang pinakamasaklap pa doon ay may pangalan at signature ko pa iyon (napagtripan ko lang kasi yung papel..). at kapag nangyari iyon ay siguradong mamimisinterpret niya ako.
Di ko lang talaga masabi kung ano iyon..pero ahh..gusto ko lang ilabas kung takot at kaba ko ngayon.
***
Sana ay maitapon na lang niya sa basura yung papel kaysa naman makita pa iyon ng ibang tao at sana kung sino man kumuha sa librong napakaancient ay makarma sana pati na rin yung kumuha sa payong kong orange…grr..
hay…
tama yan lulu i agree
labas tayoooo~
wow. riza nagcomment ka for the first time sa blog ko!!
oo nga eh..namimiss ko na ang mga gala moments natin…kahit sa school(St.paul..)lang..:)