Conversations with El-Lou.
August 6, 2006 by luanikatherovician
Sa Dalawang Linggo na pagiisip natin sa tanong na "Bakit ba nagkakabukol kapag nauuntog ang isang tao?"
Sa wakas nakakuha na ako ng sagot.
Kung kanino pa ako nagtatanong eh nandyan naman ang ate ko para masagot ang ating mahiwagang na tanong…
"Bukol is actually localized acute swelling of soft tissues secondary to trauma."- yo, ptrp.
HUWAT!!!!!???!!!!
–> Grabe hindi lamang ilong ang dumugo sa akin yung narinig ko iyon.. pati na rin lahat ng butas sa katawan ko..
Basta ang naintindihan ko lang don ay kapag yung parte na nauntog (yung tissue part) at namamaga kaya bumubukol..
Pero kung may makakapagexplain pa sa aming mahiwagang tanong ay pwedeng magpost sa blog ko para maliwanagan ang aming isip.
***
Di ko pa rin napapanood yung Gokusen Season 2 kasi naman wala kaming DVD player sa bahay
…kaya dapat magstay ako sa Pasig..so baka maulit ulit ang ating "Commuting Adventures"..
***
Naaalala mo pa ba yung Verbal Contract na nangyari sa atin yung tayo ay 3rd year students pa lang? Pajoke pa natin sinasabi na sa college magclassmates pa rin tayo tapos parehas tayong kukuha ng education na kurso at kapag nangyari iyon kukunin mo ang history as a major at ako naman ay chemistry..( sa amin na lang kung bakit iyon ang subjects na imamjor namin..:) )..
Nagkatotoo na yung first part..(natuwa ako na nagkatotoo ito.seriously.)
Pero..
Itutuloy pa ba natin yung pinalano natin majors?
***
I feel so sad after that friday incident. I don’t expect that she would say that to me. (Alam mo na kung ano iyon..). I’m not mad. Kaya lang nalungkot ako na ganon pala ang tingin niya sa akin..
I think babawasan ko na ang pagiging friendly sa mga tao.
Sa uulitin.
hehehe kasi naman nauntog pa ako sa jeep >.< pati kay sir billy natanong ko narin yan kaso aalamin palang daw nya kung bakit din..ito pa siguro mas madaling masagot… bakit kailangan lagyan/patungan ng ice ung bukol? @_@ haaayy di ko talaga gets eh pero parang may idea ako na hindi ko sure… oi nabasa ko rin ung isa mo pang entry ung tungkol sa upcat.. sira ka talaga! ikaw ha nangloloko ka na ng ibang tao ah! *laaggott*
eto talaga hindi pa nga tayo tapos sa isa..nagsimula ka pa ulit ng panibago…
+++
Hindi ko alam kung naog meron sa Lrt Santolan na tipong kapag palagi akong bababa ng jeep don palagi akong nauuntog..kaya alam ko rin ang iyong pakiramdam…
++
Yung tungkol sa upcat.Ganon lang talaga ako–kapag sobrang walang magawa sa buhay kung anu anong naiisip kong gawin para maaliw ang sarili ko..:)
ito pa!
bakit kapag may nikata tayong nadadapa o natatapilok ay natatawa tayo as an immediate reaction?
hindi naman lahat iyon ang initial reaction yung iba nagugulat o kaya naman napapamura ng di oras o kaya naman sinasabi don sa nadapa–”okay ka lang ba?” at biglang tutulungan.
Tanong na lang natin kay sir ulit..hehe:)
Kasi di na kaya ng powers ko eh.
okay sige…
o ito pa! bakit kapag sad and depressed and mga tao ay lalo pa saling gumagaling mag sulat o lumikha ng mga bagay?
*silang* un ha.. nabaliktad ko pa tuloy…sowi
iedit ko lang yung binitawan mong tanong sa akin.
Bakit kapag sad o masaya ka bakit mas lalu kang nagiging malikhain?
Pero ako may sagot na.
Kasi ito rin yung nagiging outlet natin. katulad ko kapag medyo inspired sa mga bagay bagay, nakakapagcompose ako ng mga kanta. ganon din naman kapag medyo malungkot ako.
Okei?

tignan mo na lang yung titser natin na sobrang inspired dahil sa magibig? diba???
hehehe may tanong pa ako… bakit ang mga aso at pusa na tulog kapag nilapitan mo biglang nagigising? anong meron sila at bakit ambilis nilang magising? natutulog ba talaga sila?
may sagot me..uhm. siguro una kasi maingay yung yapak ng mga paa mo at pangalawa nasesense nila na may human na mapapit sa kanila..nasesense nila kasi eh..kahit naman tao diba?
bat naman ako kahit maingay basta tulog ay tulog talaga. hmm may mga tao ngang mababaw ang tulog, buksan mo lang ang ilaw magigising na sila. may special ba sa mga hayop at mabilis silang nagigising?
baka nga kasi special ang mga humans kasi mababaw lang sila matulog..:)
*_* bat ang tao kapag umiikot nahihilo? .. i think it has something to do with the “liquid” part of our brain.. but i’m not sure
hindi ko pa rin alam iyan eh..sige kakausapin ko si ate tungkol don..:)
Siguro kaya mo naisip yung tanong na iyan ay dahil narinig mo ang kanta na anino ng imago noh?