round2.
July 25, 2006 by luanikatherovician
Besides sa mga nakuha kong "wala-nang-pasok-YEHEY!!" na text may nasend sa akin na napaisip ako..
There are 3 special people in 1’s life:
1. Someone we love but have to hate
2. Someone we hate but can’t live without
3. Someone we can’t live without but have to let go
Bakit wala yung someone we love and can’t live without..but then..may point rin yung nakasulat sa taas..
Nangyari na sa akin yung number 1. but I don’t want to enumerate my "maalala mo kaya" scences in life–I guess, nangyayari pa rin kasi sa akin yung number 1 na iyon hanggang ngayon.
Number 2…parents and family ang tinutukoy dito. I may not the best sister and daughter but I’m trying not to hate them..yeah,yeah..there are those times that I want to be alone especially if there are problems but I know that I can’t really hate them.
Naku itong number 3…marami na. Last year pa lang…2 tao na yung na let go ko..it’s kinda weird kasi medyo may similiarities silang dalawa..but past is past.
***
Gusto kong gumawa ng bagong profile para sa friendster–pero wala pa rin talaga akong maisip kung ano ang mailalagay ko..no inspirations kasi eh.
***
Kanina yung tumutugtog ako ng gitara at kumakanta (kaya nga walang pasok eh..) with all my heart’s desire (sa tagalog: wala sa tono)..medyo napansin ko na luma na yung gitara ko (c-60 ng yamaha)..kailangan ng palitan yung strings saka puro gasgas na..nakakaguity naman..kaya sana may magregalo sa akin ng strings sa birthday ko..
***
July na tapos August tapos September..yehey malapit na akong magbirthday..pero wala akong handa..pero kahit na..last year was memorable because of the retreat..ngayon kaya..anong mangyayari??? –ay.oo nga pala.YUNIT test sa Values Educ. sana iyon lang..baka naman mamaya lahat sila magpatest..hindi magandang gift iyon sa akin..pero seriously.ang wish ko lang sana ay makita ko ulit lahat ng mga tao na nakatulong/naghubog sa akin na maging isang "louanne"..iyon lang.
***
Lahat ng tao dito tulog..sino ba naman hindi makakatulog sa lamig..nasaan na ang champorado ko..???
***
gusto kong ibahin yung layout ng friendster ko..para maiba naman–kaya lang umuulan eh..nagiging tamad na ako..
***
Isang bagay na gusto ko kapag umuulan ay masasarap ynug pagkain sa bahay
Hinahanap hanap pa ng bibig ko ang ginataang tilapia na niluto ni mommy..natalo pa yung buttered mushrooms with garlic ko..:)
***
May gusto akong gawin bago ako mag18. gusto ko maramdaman na nasa outerspace ako..o kahit mahiga lang sa bubong at nakatitig ka lang sa langit--kaya lang dahil sa mga naglalakihan kong lipids baka hindi kayanin ng yero namin ang bigat ko (may butas na nga–sisirain ko pa..)
***
How do you handle a compliment..wala lang.naisip ko na lang bigla..kasi kapag nagthank you ka parang ang conceited mo kapag medyo nahihiya ka parang pakiramdam nung nagcompliment sa iyo na gusto mo pa mapuri…
Sana may makasagot sa tanong ko..
Sa uulitin.