Day by Day
July 24, 2006 by luanikatherovician
Nasa gitna ako ng isang panaginip (na sa tingin ko isa sa mga pinakasamasayang panaginip ko) nang may nagtext sa akin–nakalimutan ko na ang profile ng telepono ko ay:kaingayan…
Nabulabog ako..oh well para naman sa panaginip ko–babalikan ko na lang mamaya.Kaya ko kasing icontrol yung panaginip ko–isa sa mga bagay na gusto ko sa sarili ko..
"uyy.wala nanaman pasok bukas.confirmed na…:) ang lakas ng powers mo.." — tere
"louanne, walang pasok..paano yung sa history natin" — joey
Waah.hindi ko tuloy maenjoy ang walang pasok dahil naalala ko..may gagawin pa akong schoolworks..at least hindi natuloy yung pacheck ng homework sa values educ,pers.educ. at quiz namin sa math at pers. ed.
Para kay pers.ed. naaawa rin naman ako kasi once pa lang kami nagkaroon ng klase, wala kasing classroom sa PNU..(nawa’y magawan ng paraan para hindi na mangyari sa iba pang estudante), saka parang mabait naman yung teacher namin sa pers ed. (hindi ko na maalala ang pangalan niya..)
***
Oo na masama na akong estudante kasi hindi ko makabisado ang pangalan ng aking mga guro.Naalala ko pa yung nagusap kami ni ms. calayo (kasi nga doon rin siya nagcollege) halos batukan niya ako kapag hindi ko masagot kung sino yung teacher ko..uhm.ngayon I could only name 4-5..siguro sila yung effective na teachers…kasi natatandaan ko ang pangalan nila–at isama ko pa ang mga 1st impressions ko sa teachers.kaya 5 lang talaga.
Maswerte sila dahil naging teacher ko sila o maswerte ako kasi matino yung 5 teachers na iyon..
***
Wala nanaman pasok.
Hindi ko maipagkakaila na masarap ang buhay kapag walang pasok–KAYA lang..naisip ko rin na kapag walang pasok–mamomove yung bakasyon…ahh..that can’t be o worst mas iikli pa ang sembreak ko.:(
This can’t be…
***
One thing that I really like about this "break" is I was able to play my guitar..:) Hindi pa rin talaga mawawala yung magiging musician ko–and at least alam ko pa kung paano maggitara…
sa uulitin..