Ano ba ang mayroon sa araw na ito?
July 31, 2006 by luanikatherovician
Sa tingin ko ito ang pinakaayaw kong araw..
Ano ba naman iyan, first day ng August at medyo naaasar ako..
Ang aga kong gumising, naligo nang maaga tapos mapapagalitan dahil sa payong..
Pagcommute ko naputikan ba yung shoes ko dahil sa pesteng jeep at pagsakay ko sa fx napwesto pa ako sa tapat ng aircon at ayaw hinaan ng driver yung aircon kaya naninigas na ang mga kamay ko..
Tapos biglang nagmiss call si mama para sabihin na naiwan ko ang wallet ko sa bahay buti na lang may barya pa ako sa bag at kasya pa sa paguwi ko.
Late nanaman ako sa values education.–eto talaga kinaiinisan ko kasi ang aga kong gumising para hindi malate–yung effort ko wala na rin.
tapos nandito na lang ako sinasabi ang mga hinanakit ko ngayon sa buhay.
Isang malaking peste ang araw na ito.
Sana naman hindi buong buwan ng Agosto na mapepeste ako.
Sa uulitin.