Ang SONA ni Gloria.
July 26, 2006 by luanikatherovician
WARNING: Napagisipan ko (for the first time in my blogging history) na magbigay ng komento tungkol sa SONA ni Gloria. Marapatin lang sana na irespeto ang mga nakasulat dito. Isipin niyo na lang na nagbibigay ako ng editorial. Nirerespeto ko kung medyo maiinis kayo sa akin dahil sa mga pinagsusulat ko..at pwede pagkatapos mong mainis..paki basa na lang yung pahayag na nakalagay sa itaas ng aking blog.SALAMAT.
***
154 Claps…
pero sabi sa news 157.so may namiss ako…(hay.)
Besides sa speech ni Gloria tuwing taon naging ritual na sa akin ang pagbilang sa kanyang mga palakpak.Malungkot ako kasi sa 5 years na pagiging Presidente ni Gloria wala pa akong naging tamang bilang sa palakpak niya.
Well mayroon pa naman next year eh…wait may next year pa ba???
***
For the first time medyo nakinig ako sa SONA ni PGMA–no choice ako kasi lahat naman ng himpilan ng radyo at TV ay nakatutok sa kanya.
Unang napansin ko ay ang kanyang powerpoint presentation..aba. Sinisimbulo ba nito ang pagiging high-tech ni Gloria–teka, siya nga ba ang gumawa ng powerpoint presentation na iyon. Baka next year (kung mayroon man) naka ADOBE Primiere PRO na o kaya Windows Movie Maker at nakaPHOTOSHOP na rin ang mga litrato na gagamitin niya. Buti naman naisipan ni Gloria na magpapowerpoint kasi baka antukin naman ako (kung puro mukha lang niya ang nakikita ko..)
Pangalawa. Pwede nang maging isang beadle si PGMA. Biruin niyo nagpapaattendance siya..sayang at walang absent sa mga sinabi niyang pangalan. Perfect attendance (ay.mali kasi may mga nagboycott nga pala sa SONA niya.), Naalala ko ang sinabi nung isang nakinig sa SONA ni Gloria–"kulang na lang pati yung ibon at paru-paro imention pa niya kanina".:). Siguro alam nila (yung mga natawag) na tatawagin sila ni PGMA..at hanep iba’t iba ang reakyon…yung iba medyo nahihiyang tumayo, yung iba naman sobrang excited at may pakaway-kaway effect pa. Ang mahirap lang kasi sa mga ganon ay paano kung may nakalimutan kang sabihin na pangalan–baka magtampo iyon.
May isang reality akong naisip: Humans need to be verbally recognize for their achievements.
Pangatlo.Nagulat ako ng sinabi ni PGMA na nahati (kung hindi ako nagkakamali..) sa 5 ang regions ng Pilipinas.Ang naalala ko lang kasi ay ang Super Mindanao-nao-nao (with Superman soundeffects) saka may isa pa Cyber +something+ basta sa may part ng Palawan iyon. Sa totoo lang, hindi ko pa rin kabisado yung mga regions sa ating bansa( hindi talaga ako magaling sa memorization)…pero di kaya maguluhan ang mga tao kung ipapatupad iyon.
Pangapat. Dalawang beses nang napapansin ito. Bakit ganon ang mga nagrarally sa labas mismo ng Batasan ay ang PRO Gloria at sa may St.Peter ang mga Anti Gloria..bakit hindi na lang silang hati sa tapat ng Batasan. Marahil isasagot niyo sa akin na magkakagulo..pero gusto ko lang kasi na pantay pantay lang.
Panglima. Mayroon ba talaga tayong budget upang magawa ang mga proyekto na sinasabi ni Gloria, hindi sa tumututol ako dahil makikinabang rin naman ako sa mga proyekto ni PGMA (lalu na yung LRT/MRT extension) pero sa dami non..baka trilyon ang abutin ng mga proyekto…at ngayon marami pang nangangailangan ng budget lalu na ngayon na bumabagyo at yung mga OFWs na inililikas sa Lebanon at diba may utang pa tayo sa ibang bansa?
Maraming goals na gustong ibigay katuparan ni Pangulong Gloria…sana magawa nga ang mga iyon at isaalangalang ang kapakanan ng mga mamamayang Pilipino.
at cyempre ang isaping CHA-CHA. Hindi ako sumasangayon doon dahil naniniwala ako na may iba pang paraan upang mapaunlad ang ating bansa.
Sa uulitin.