Adventures in Philcoa
July 26, 2006 by luanikatherovician
Mamaya..pasukan na..ewan nasanay siguro ako na walang pasok..o-0
***
Nagmeet kami ng classmate ko kahapon sa may Philcoa. Pagkatapos ng "struggle" ko sa paghagilap sa kanya, nagkasundo kami na magkikita kami ng 2:00 p.M. sa Mcdo (sana sa Jolibee na lang–laking Jolibee kasi ako eh..).
2:00 sharp
2:00 na wala pa rin siya sa meeting place. Kala ko mas mauuna siya dahil ang lapit ng bahay niya sa philcoa.Kaya ayon napagastos ako sa Mcdo. Mabuti na lang at may coupon ng mcdo ang nanay ko.
Bakit ka late?
Classmate: Eh kasi alam kong malayo pa ang pinangalingan mo eh!!
Wow.How Bright. 0_o
So anong ibig niyang sabihin ako yung tipong malalate dahil malayo pa ang pinangagalingan ko?
I admit, sa school palagi akong nalalate sa first subj. lalu na kapag v.ed. at math (etong sa math , may inaasikaso lang akong importante for the class..) pero kapag usapin classmate o kaibigan hindi naman ako ganon o kaya kapag may naghihintay sa akin at late ako sinasabi ko na lang na mauna na siya-kasi nahihiya rin naman ako.
***
So sumakay kami sa jeep at pumuntang UP Diliman medyo alam ko na yung lugar na iyon kasi doon ako nagseserve bilang isang commentator/reader or altar server tuwing linggo.Ayon bumaba kami sa SC (dahil kami ay magpapaxerox) at tinanong nanaman niya ako.
Classmate:blah..blah..kakain na ako..
Me: Ah.Okay sa mcdo na lang tayo kumain (buti na lang isang dosenang coupon!!)
Classmate:blah.Blah.mcdo.ang social mo naman..
HUWAATTT!!!
Ano ba naman iyon.Ayaw ko kasing sinasabihan ng ganon lalu na ako. Believe me, hindi ako ganon.
Pero nanahimik na lang ako..
Dahil pakiramdam ko na medyo tumataas na ang aking "anger-meter" sinabi ko na lang na may alam ko sa philcoa na sobrang mura as in 30-40 pesos pero meal (may kasmang inumin na ito) na siya marami pang kanin kaya mabubusog ka talaga…pero sabi niya pagkatapos naming makita yung place sabi niya na kakain na lang siya pauwi. hay.
Ano ba ang definition niya ng mahal???
Sorry talaga pero hindi ko siya maintindihan..
Sa uulitin.