Isang pagbibigay ng pasasalamat..part I
August 7, 2005 by luanikatherovician
Anu nanaman ito Louanne..
Gumana na nanaman yung pagiging emotional kong tao eh..
mayroon akong kaibigan..ipangalan na lang natin sa codename na "bubuyog.."
bakit si bubuyog ang una kong naisip..kasi nakita ko bigla yung binigay na sa akin na sulat (parang sumanib sa kanya yyung pagkatao ko)–hindi ko alam na mushy rin pala siya..in fairness..NAGULAT ako.pati yung isa pa naming kaibigan (na tatalakyin ko sa part II) ay nagulat rin..
Isang ideya lang naman yung sinabi niya sa amin eh..SALAMAT.
yung simpleng salamat na iyon ay napasaya ako..at least alam ko na "naaapreciate" niya yung mga ginagawa ko sa kanya..:)
***
Kung iisipin mabuti hindi ko naman talaga alam kung bakit kami nagkakasundo…magkaiba kami ng personalidad kasi eh..
***
Naalala ko yung toyo incident sa classroom (o ayan isang malaking clue na ito!)..hanggang ngayon ay hindi ko maisip yung rason kung bakit niya sinangi ang aking kamay pagkatapos niyang sabihin na "magiingat ka kasi baka matapon yung toyo ha!!" –kapag naiisip ko iyon ay natatawa pa rin ako..weird noh, ni hindi ako nagalit sa kanya..nalungkot pero hindi nagalit..Naalala ko yung mga "frontmate" namin ay nabuhusan ng juice ang kapwa seatmate..at naggalit sila parehas..tinanong ako ni bubuyog.."bakit tayo yung natapunan kita ng toyo ay hindi ka nagalit?!?"
Isa lang nasabi ko..kasi hindi ko pinairal ang galit ko…kasi alam kong walang pagtutunguhan iyon..
***
May mga pagkakataon na hindi ko maintindihan kung bakit minsan hindi ako magalit sa kanya–may mga ginagawa siya kasi na hindi ko gusto..parang sobrang masama..
Tapos naisip ko yung sagot..
kasi tinaggap ko na yung buong pagkatao niya..dahil nga kaibigan ko siya kasi siya.. minsan..pinagtritripan ako nito..at hindi niya matake ang aking "telenovela personality"
***
Isang araw sinabi ko sa kanya na marunong akong magguitara..natuwa naman ako dahil siya rin marunong..saka magaling itong kumanta..Sa tingin ko alam naman niya na halos nasa kanya na rin lahat..ayaw lang niya isipin iyon..
Oo nga pala..dahil naisip ko nanaman yung musika may gusto lang akong ipahayag…hindi naman kailangan na magaling ka sa isang larangan upang masabi mo na may "passion" ka dito dahil hindi doon nasusukat iyon..Nasusukat iyon kung gaano mo kagusto yung ginagawa mo, kahit kumanta ka na wala sa tono at wala kang pakielam at gusto mo lang iyon..masasabi kong "passion mo iyon.."
***
Hindi niya alam kung gaano kalaki yung epekto sa AKIN yung sinabi niya sa akin na "Louie, salamat dahil binalik mo yung ‘passion’ ko sa musika..hindi niya alam..hindi ko aakalain na maaapektohan pala siya nang pagiging musikero ko..:)
***
Kaya..Maraming salamat..dahil naging parte at parte pa rin ng buhay ko hanggang ngayon–ABBY