isang bakbabalik tanaw
July 30, 2005 by luanikatherovician
dahil hindi ko maintindihan yung bakit nawala ang kaduktong ng pagbabalik tanaw2..eto na..ginawa ko na lang ulit..
"pagbabago ng isang tao para mapabuti o mapalala ang kanyang sarili..kasi dito sa mundong ibabaw, aminin niyo man o hindi,may ilang katangian o bagay tayong iniiba para sa ibang tao, hindi para sa sarili mo. kung ako ang tatanungin, ayaw kong magbago,bakit ba? anu nga ba ang pakielam nila pero namulat rin ako isang araw at naisip na sobrang hirap pala.."
Bakit ko ito naisip dahil sa isang tao, na kahit paano ay nagpaligaya sa akin kahit saglit.
Inaamin ko sobrang naging crush ko siya,yung una ko siyang nakita, tuwang -tuwa pa nga ako sa kanya–ang kulit kasi eh parang nakikita ko sarili ko sa kanya…sa hindi inaasahan na unting-unti na akong humahanga sa kanya. Yung mas lalu ko siyang nakilala mas tumindi yung nararamdaman ko sa kanya, pero alam ko sa sarili ko na hindi ito pagibig, hanggang dumating yung araw na unitng-unti na siyang lumayo sa akin. May mga pagkakataon na ang sakit yung binibitawan niyang salita kahit hindi naman niya sinasadyang masabi iyon…mukha akong *****, alam kong hindi niya alam na nakakasakit na siya ng damdamin pero eto kahit anung angulo ko isipin ay nasaktan pa rin ako. Hanggang dumating na lang sa punto na hindi na niya ako tinatawagan o tinitext, na simpling taas na lang ng ulo niya pag nagbabatian kami…pero kahit paano, nagpapasalamat ako kay lord dahil binigyan niya ako ng isang araw para makilala siya. Masasabi ko na iyon ay isa sa mga pinakamasayang sa akin pero sa isang banda, iyon rin ang pinakamalungkot na araw dahil alam kong hindi na ulit mangyayari iyon—HINDI NA!!
"Hindi ko alam kung nagsisi ako dahil nakilala ko siya at sa huli ay lalayo rin siya sa akin—hindi ko alam"